sneak peak

nagdala na ako ng camera sa office. hehe. actually dapat magpipictorial kami pero hindi na kasi gagamitin yung isa kong study kaya hindi ko na itinuloy. nagpicture na lang ako ng mga tao for blogging purposes. hindi lahat ng officemates ko nakunan ko ng picture. actually di ko pa sila kilala lahat. yung iba kasi, minsan ko lang nakikita at walang chance para makausap.

hindi ko alam kung bawal ito or kung unethical ang ginagawa ko. kse may cases na napatalsik yung employee dahil sa blog nya. sana hindi mangyari sa akin. huhuhu. masaya pa naman ako sa work ko ngayon.

nung isang araw pinag-attend ako ng meeting. ako ang nagrepresent sa company namin. katakot! hehe. mga boss yata yung ka-meeting ko. hehe. pero syempre feeling important naman ako. kaso hindi ko masyado maintindihan yung ibang terms. masyado kasing technical eh. haha. naisip ko, nakakahiya naman magtanong ng magtanong. baka mainis sa akin yung mga ka-meeting at maisip nila na hindi ako smart. kaya ginawa ko, nilista ko na lang lahat ng terms na naririnig ko na hindi ko alam ang meaning tapos pagdating ko ng office, tinanong ko sa mga officemates ko. hehe. in fairness, nakasunod naman ako sa meeting. nakukuha ko through context kasi may discussion naman ng mga cases. hehe. kailangan ko talaga mag-aral at magbasa para maging updated.

next time na magpunta ako ng meeting, magsha-share na rin ako! bibo dapat tayo palagi! hehehe.

No comments:

Post a Comment