first time mo?

last saturday, nagplanong magmovie and bowling/billiards/skating out dahil request ni mike at les. kaso at the last minute, ang daming nagback-out. at ang natirang matibay ay ako, si miggy, si avadoods at si mike. haha. parang magkakasama lang din kami the night before ah.

si janina, fully-booked ang sked. naks! hehe. busy-busyhan! si sally kse pinagstay ng boss up to 7pm. si ic di na rin makakapunta. tampo-tampo pa tapos di ka rin pala pupunta! hmpf. si ate kams, dumating ang mommy at kapatid na si kyle. si adnan, magrereview para sa board. si chi, biglang nagkasakit. si les may pasok pala the whole day (kala ko halfday lang) at pinapauwi ng dad nya. si lou, hindi ko alam kung anong nangyari. si pitt, hindi sigurado. si guiller hindi sumasagot. si kuya mackie, may date with pinky na bestfriend nya.

usapan namin ni miggy na magmeet ng 12 sa powerbooks para puntahan si les sa office. sa kasamaang palad, 1pm na ako nakarating. pano ba naman, may dysmenorrhea ako tapos sobrang traffic pa sa e-rod. gravy! since late na rin, sabi hintayin na lang namin si ava para sama na rin siya papunta kay les. eh napasarap kami sa powerbooks (sale kasi) kaya di na namin napuntahan si les. eto namang si mike, kagigising lang! gravy. hindi pa marunong pumunta ng megamall. o ayan, may bagong learning ka na!

napatambay kami nila miggy at avadoods sa red ribbon dahil ang tagal ni mike. haha. nawawala pa sa labas. pagdating ni mike, hindi kami agad makapagdecide kung anong gagawin. hindi na kami pwede manood ng movie kasi mabibitin kami dahil may mga engagements na kami para sa gabi. so namimili kami between bowling, skating and billiards. gusto ko sana magskating kaso ayaw nilang tatlo. haha. mga duwag! ok lang naman kahit hindi tayo marunong ah?!

kaso pagdating namin sa bowling alley, akalain mo? may tournament! gravy. sabi ko skating na lang. kaso ang daming tao at ayaw talaga nila. nagsuggest si miggy na sa starmall na lang. mas mura pa. so nagtungo kami ng starmall. ok naman. puyat sports pala dun eh. haha. kaso, kung minamalas ka talaga...may tournament din! gravy. strike two! buti na lang may bilyaran. at wala masyadong naglalaro.

si miggy lang ang marunong sa aming apat! hahaha. there is always a first time. haha. yehey! marunong na ako magbilliards! woohoo! nagsplit kami into two teams by pompyang. hehe. girls against boys. nanalo ang boys, 2-1. pero close fight naman kaya ok lang. hehe.

next time, basketball naman! hehe. sporty na tayo! basta, maghahanap ako ng sasama sa akin magskating...

----------
new books ko: office zen (from php309 nabili ko ng php50!); barron's a pocket guide to correct punctuation (from php325 nabili ko ng php99) ...parehong magagamit ko sa aking new work. hehe.

1 comment:

  1. Wahahahahah! Naalala ko na to! Hahaha. Late ako! At naligaw ligaw pa! Gravy. Its been a while. D pako marunong pumunta megamol nito. Omg.

    ReplyDelete