download time!

WARNING: Huwag basahin kung mahina ang sikmura!

----------
kakaiba talaga kapag may period. laging sumasakit ang tiyan.

nung thursday, bigla akong binisita ng scarlet fairy. gravy. buti na lang at girl scout ako. hehe. laging may sandwich na baon! (isipin mo na lang, ham yan!)

bandang after lunch, eto na. kinailangan kong mangasilyas. hehe. ayos 'to. malamang walang tao dahil busy sila sa trabaho.

pagpasok ko sa cubicle, may biglang pumasok. nahkoh. mukhang kailangan kong magpigil! naghintay ako. malamang magnu-number 1 lang siya. kaso mukhang may maitim din siyang binabalak. parang ako. tepok! naghihintayan kami!

napaisip tuloy ako. sino kayang unang bibigay? at nasagot naman agad ang tanong ko. hehe. buti na lang matibay ako. haha. ayos ang style nya. haha. nagpipigil nga ako dahil sobrang gusto ko ng tumawa ng malakas. eh ayokong magpahalat. hahaha.

maya-maya, may isa pang pumasok. magsusupilyo. nahkoh. nandun pa rin kaming dalawa. makalipas ang ilang minuto, naririnig kong naduduwal-duwal na yung nagsisipilyo. sus! kumuha ako ng makapal na tissue para takpan ang bibig ko para hindi marinig ang tawa ko. hehe. hindi ko kasi malaman kung natural lang sa kanya ang naduduwal habang nagsisipilyo o dahil hindi na nya makayanan ang fresh air sa loob ng banyo!

hahaha. paglabas ko, narejuvenate ako at ginanahan magtrabaho. energy booster talaga ang pagtawa! pero sana wala ng awkward moments na ganito. hehe.

3 comments:

  1. hahaha.. benta ang trie-to-life story na 'to. ano pala yun style nun kasabay mo? hehe

    ReplyDelete
  2. haha. sabihin ko sayo kapag nagkita tayo.

    ReplyDelete
  3. grabe ka talaga cla!! tumatawa ko dito sa work!! hahaha. kwela ka talga ever!! i miss yoU!!

    ReplyDelete