babae, kung wala kang lover...lapit sa driver!

first day pa lang pasaway na...

simulan sa bahay. medyo matagal maligo ang mga kapatid ko. eh nasa dulo ako ng pila so no choice. ayoko naman kumain bago maligo. i don't know pero iba talaga ang araw ko kapag inuna kong kumain bago maligo. ok pa ako. pasok pa sa time. medyo natagalan ako sa pagpili ng damit, yun pala dun din ako babagsak sa first choice ko. labo ko talaga kahit kelan.

pagkatapos, kumain ako. in fairness, hindi naman ako speedy bagal. tama lang. tapos syempre, kailangan maglaan ng ilang sandali upang magmuni-muni at maglabas nga mga sinasaloob. ehem ehem.

tapos tumakbo na ako papuntang quezon ave. para mag-abang. after mga 10 minutes ka kakahintay, nakasakay na rin ako. pagdating sa edsa, grabe! parang may pilgrimage! kala mo kung san papunta yung mga tao eh. sasakay lang pala ng mrt. buti na lang strategic kong inakyat ang hagdan at nakipagsiksikan sa mga tao. magmukha ng singit basta makasakay agad! napabili tuloy ako ng SV (stored value) card.

pagsakay ng train, di ko akalaing magpaparticipate ako sa isang orgy ng kaaga-aga. pwede pala yun? akalain mo? matinding body-bumping ang nadanas ko. feeling ko nga magkakamukha na ang mga pasahero eh. kamukha ni palito. hehehe. with limp hair and 2 dimensional bodies! buti naman at walang nag-attempt this time na pisil-pisilin at kurut-kurutin ang aking pwet. at mabango ang katabi kong si mr. clean. hehehe. pwede!

pagbaba ko ng buendia station at sumakay ng bus papuntang ayala, nagpakitang gilas naman tayo dahil nakataas ang ating mga kamay! buti na lang laging fresh ang kili-kili natin. hehehe.

kamalasan nga lang dahil na-late ako. pero konti lang naman eh. pasok pa rin sa grace period. pero siyempre. dyahe. first day na first day.

ok naman. nag-orientation ako about the company, office policies tapos nagtour at ipinakilala sa mga tao. tapos pinakita sa akin yung desk ko. (yehey! may view!) ang saya! may internet access although restricted nga lang. pero pwede may YM at MSN! cool! tpos meron na agad akong company email plus may sarili akong phone at local number. after ng orientation na specific sa trabaho ko, lunchbreak.

nagmeet kaming mga makati girls (sally, ava, chi) sa rcbc with ate kams and guiller. hehe. grabe. ubos pera natin. ang mahal! after a while, nagpaalam na ang mga tao.

pag-akyat ko, nagulat ako! 2pm na sa orasan namin! super advanced ang oras nila. sa akin wala pa ngang 1:30 eh. grabe. strike 2 nako agad. nakakahiya pa kasi hindi ako nakasama sa meeting ng team namin dahil nga late ako. oh well. buti na lang nacomfort ako ng isang officemate from the other division. hehe. at nadaan ko sa charms at kakulitan si boss kaya hindi naman nagalit.

nung hapon, sariling diskarte ito. hehe. nag-aral ako ng mga kung ano-ano lang. wala pa kse akong access sa servers kaya wala masyadong magawa. tapos nag-inventory din ako ng promo materials. siyempre, walang katapusang YM on the side ito. ang status natin ay AIDS (as if doing something...) hehehe. ok naman. almost 7 na ako nakaalis dahil ang lakas ng ulan.

halos isang oras ang travel time ko from buendia to glorietta. gravy! dahil lang kailangan kong magpapicture sa kodak! at walang silbi ang SV card ko dahil ang haba pa rin ng pila sa mrt. hay. almost 9 na ako nakauwi. ok lang naman kahit pagod. masaya pa rin ang araw ko.

-----------
yung title galing sa jeep na sinakyan ko pauwi...

3 comments:

  1. ako rin may email address na at may sariling phone at local! hehe magtawagan tayo? hahaha =D

    ReplyDelete
  2. wow, taga jungle of makati ka na pala . . . totyal! hehehe, congrats!!!

    ReplyDelete
  3. hehehe. sige chi!

    mhleon, thanks! hehe. oo nga. totyal nako.

    ReplyDelete