ok fine. kasalanan ko. na nakatulog ako at hindi ko nasunod ang bilin mo. sorry. that was my fault. alam kong responsibility ko yun. alam ko hindi ako mabuting example. na pasaway ako. na hindi ako yung ineexpect nyo. sorry. hindi ko sinasadya na iba ang paraan ko ng pag-iisip. na iba ang priorities ko. na hindi tayo magkapareho.
pero sana wag kang mag-assume. lumabas na naman yang usapan na ako ang pinakamaswerte. dahil ako ang panganay. dahil minsan lang ako gumamit ng pinaglumaan. na sa lahat ng bagay ako ang una. na mas minamalas yung mga sumunod sa akin. yung nasa gitna. yung bunso. siguro nga. pero hindi rin eh.
akala mo ba madali maging panganay?
ginusto ko ba na laging bago ang mga gamit ko? ok lang naman sa akin kahit pinaglumaan ah. ayokong gumagamit ng bago dahil may malaking responsibilidad na ingatan ko ang mga gamit ko. dahil may gagamit pa. kaya nga ako naging OC eh. kasi gusto ko maganda pa rin ang gagamitin ng mga kapatid ko. tapos hindi ko pa pwedeng angkinin yung mga gamit. kasi sa aming lahat yun eh. hating kapatid.
madali bang masabak sa mga bagong karanasan na walang magtuturo kung ano dapat ang gawin? buti nga sila pwede nila akong tanungin. lagi na akong may tips kung paano nila maiiwasan yung mga pagkakamali ko at masulit ang mga dinaranas nila. eh ako? sino ang pagtatanungan ko?
masaya bang masisi sa lahat ng pagkakamali mo pati ng mga kapatid mo? dahil nasa akin ang responsibility na maging good role model. na kailangan maging perfect. na kailangan magset ng mataas na standard. na dapat lagi ko silang i-check at i-guide sa ginagawa nila. na kung may mangyaring di kanais-nais sa akin lagi itinatanong o isinisisi. dahil ako ang tinutularan nila.
hindi ba nakakastress na tuwing gusto mong magplano ng lakad, dapat mo munang itanong kung may lakad din sila? para mai-adjust ko ang schedule ko para ma-accommodate kung may ihahatid, susunduin o sasamahan ako. o magpanggap na alam ko kung san yung pupuntahan nila para mapayagan silang lumabas dahil ayaw kong maranasan nila ang madprive ng mga karanasan na dapat nae-enjoy habang bata pa dahil baka pagsisihan sa pagtanda.
----------
wala naman talagang pinakaswerte sa amin lahat eh. bakit kailangan na iparamdam mo sa akin ito? porke ba hindi ka naging masaya nung panahon mo? bakit gusto mo na lagi kong nararamdaman yung feeling na guilty ako sa mga bagay na ginagawa ko. na hindi ako dapat masaya. masama bang maging masaya palagi? masama bang maging appreciative sa mga maliliit na bagay? masama bang makuntento sa kung anong meron na ako? masama ba na iba yung mga pangarap ko sa mga pangarap mo para sa akin? hindi ko ba buhay 'to? ano bang gusto mong gawin ko? alam mo, nililito mo ako.
same sentiment here! although kinalakihan ko na yata yan, kaya ngayon eh di ko na gaanong inirereklamo :) hirap maging panganay ano!?
ReplyDeletemas masaklap pa yan kapag may kapatid kang humirit ng, "ang yabang-yabang mo, porke't panganay ka lang dyan..."
hinga ng malalim :)
whoa! mabigat yung mga binitiwan mo ha! i think you should talk to keith magkakaintindihan kayo...almost same kayo ng sentiments...hinga ka lang...kaya mo yan...
ReplyDeleteAmen! hay!
ReplyDeletethough im not the eldest child, i feel your pain. ako ang gitna pero ako ang lagi nagpapasensha sa ate ko, nagcocompromise/ naggigive way para sa ate ko (dahil im too kind --no kidding, i let her walk all over me-- and my mom says na inggit daw saken yun kaya pagpasenshahan ko na --hello?!)...
ReplyDeletei guess yung binubully is always the more "giving" child...
mabuhay tayo! hehehe.
ReplyDeletesabi nga ni mitch albom sa "the 5 people you meet in heaven": "All parents damage their children. It cannot be helped. Youth, like pristine glass, absorbs the prints of its handlers. Some parents smudge, others crack, a few shatter childhood completely into jagged little pieces, beyond repair..."
ReplyDeleteif it makes you feel any better, you're not alone. i have similar sentiments, and i know other people do too.
kokontra ako ng konti dito. siguro naramdaman ko rin na parang gustong kontolin ng parents natin ang mga buhay natin. and konting mali lang napapansin na kaagad. Hindi napapansin ang mga pinaghihirapan at mga gusto nating gawin. pero siguro wala namang parents na ayaw ang mabuti para sa atin.pero sobrang mahal nila tayo, sumusobra ang concern na umaabot na sa point na hindi na nila kino-consider na may sarili na tayong decisions. HALA ang labo na.hehehe. pero sana nagegets mo sinasabi ko. Alalahanin mo yung kinuwento ko about my mom. yun lang po. grabe haba nitong comment.
ReplyDeletelagi namang hindi maiiwasan yan clatot. i know na lilipas din ang init ng ulo at ng ulan ng emosyon.
ReplyDeleteminsan, nakakapagod ding umintindi sa iba. minsan nakakapagod ding mabuhay na dinidikta nang iba.
di nga ako ang panganay, pero naramdaman ko rin at one point in my life na echepuwera ako sa buhay dahil inuuna si panganay o si bunso. middle child syndrome nga marahil.
buhay mo yan cla. you all have the right to live it the way you want to. pero wag ding kalimutan na ang magulang mo, they just want what's best for you. gabayan ka man, ikaw pa rin ang tatahak sa gusto mong daan.
mahirap ding maintindihan. pero kapag ina ka, malalaman mo rin kung paano rin kahirap ang magpalaki ng anak.
naks dami naman nagcomment! hehehe.
ReplyDelete