antagal ko na palang hindi nag-uupdate. iba na talaga kapag busy...busy-busyhan. hehe.
naka 5 days na ako sa work. marami pa ring hindi natatapos pero ayos lang. may time pa. hindi naman ako masyadong nasestress. medyo lang. hahaha.
unang-una, kelangan ko aralin ang paggamit ng mac. nakakalito talaga kapag nasanay ka na sa pc. ang bagal ko tuloy kasi di ko kabisado yung mga keyboard shortcuts.
pangalawa, di ko matapos ang mga requirements kasi maraming information ang kailangan kong kunin sa iba't ibang tao. pinapakiramdaman ko pa sila. kung anong style ang gagamitin ko sa kanila. kasi madali lang makiusap sa mga mababait. eh pano yung mga masusungit? yung mga laging busy? (parang ako. hehe) yung mga laging wala? tapos nagsisimula ka pa lang din na kilalalin at makihalubilo sa kanila. ang hirap.
pangatlo, oldies ang mga pinapatugtog na kanta sa floor namin. grabe. talagang napapapikit nako sa desk ko. hindi man lang ako makapagpractice ng pagiging diva. hay. naooverpower ako ng mga lola. buti na lang late dumating ang mga tao sa umaga kaya nakakakanta pa ako ng malakas for one hour.
pang-apat, ang lamig-lamig! or hindi lang ako sanay na naka-aircon buong araw. halos bawat oras pumupunta ako ng banyo para umihi eh. sayang yung iniinom kong tubig.
pang-lima, pressure. araw-araw nakikita ko yung ibang applicant for the same position. nakakakaba kapag naiisip kong baka isa sa kanila ang makuha instead na ako.
pang-anim, marami pang test! may role-playing at kelangan ko maipasa ang mga requirements by next week na! huhuhu. kailangan ko na ng super powers!
oh well, makatulog na nga para maaga ako pumasok tom. marami pang gagawin eh. sana may shoot ulit. hehe.
go for it cla!!!! show them what you've got... see ya sunday!!!!
ReplyDeleteAno bang position yan?
ReplyDeleteGood luck a. :)
Galingan mo!