hay nako. bwisit talaga ang nagnakaw ng phone ni rollz. may HD ata sa akin. hahaha. ang kapal ko talaga. pero seriously, halos araw-araw ako pinaparing. kabwiset! may nerve pa na magtext sa akin. sabi ba naman... "Hi! ate clarissa! itz me!kptid ni rollz! nag ta2nong lng po me kng nkha n ni kya ung pnadla nmeng brith certifcate!!!...txtbck!...thnx!!!..."
siraulo ka pala eh! gusto ko na ngang magreply kaso sayang ang piso. wala pa naman akong trabaho. peste! tanga! kainis talaga. sus. kumukulo ang dugo ko.
eto pa, nung isang gabi, nagmiss call ang nanakaw na phone. eh di pina-ring ko rin. aba! after 5 seconds nagring yung landline namin. nung sinagot ko, walang nagsasalita. nakikinig lang ng boses. binagsakan ko nga ng telepono. (nalaman ko kay rollz na nakalista rin pala ang landline ko sa phone niya)
tapos nitong nakaraang araw, may nagtetext naman sa sun phone ko. may bago akong stalker! kala ko kakilala ko, e di tinext ko using my other number tapos nagreply, siya raw si Ron. ano raw name ko. eps. bakit pa ako magsasayang. mga kaibigan ko nga di ko natetext siya pa kaya. simula non, everyday tinetext ako ng good morning at good night. siguro kung nanliligaw yun eh sinagot ko na dahil sa effort. kaso hindi eh. hahaha.
tapos nakausap ko ang common friend namin ni rollz. namention ko yung incident sa kanya. sabi niya meron din daw siyang mysterious stalker. nagcompare kami ng number and as it turns out, iisang tao lang ito. ang pakilala naman sa kanya nitong texter ay ronald. grabe! sabi pa nga sa kanya, tatawagan daw siya sa gabi. ibang klase! at di ko inexpect, tinawagan din ako. buti na lang namamatay ang bulok kong telepono kapag may tumatawag. creepy talaga.
ang tindi ng mga nagmomodus operandi na ito. feeling ko iniisa-isa nila yung mga number sa phonebook ni rollz, hoping na may mabiktima. buti na lang sinabi agad sa akin ni rollz. kaya mga peeps! ingat kayo! as much as possible, ingatan ang phone. o kaya, wag na lang magstore ng important information sa phone. delikado na talaga.
No comments:
Post a Comment