syet na malagket! kung kelan naman unang araw ng 2-week trial ko tsaka pa ako nagkaroon. dagdagan pa ng chocolate hills sa mukha na laging sumasabay sa tuwing magkakaroon. hay. what a day!
as usual, eager beaver ako kaya maaga na naman ako ng 1 hour. hahaha. hanggang kelan kaya tatagal ang pagiging maaga ko? hehe. buti na lang din. dahil may free parking ako. wahaha.
first things first! interview with production manager. ok naman. feeling ko nasagot ko naman ng maayos lahat ng tinanong niya. at ok naman yung mga comments niya. so confident ako. haha.
share ko lang. sabi nung GM out of 150 applicants, 40 lang ang napili for 1st interview. out of 40, 10-15 lang ang nag 2nd interview (1 day trial). out of 10-15, 5 lang ang mag-2-wk trial. out of 5, 2 lang ang kukunin. kasama ako sa 2-wk trial. ako ang unang nag 2-wk trial! woohoo!
tapos, ayun. binigay na ang mahiwagang papel na naglalaman ng dapat kong matapos within the 2 week period. sus. pamatay! tsaka ko na ididiscuss in detail. pero kanina, balak ko sana manood ng photo shoot pero sa kasamaang palad, buong araw lang akong nakaharap sa aking computer at nag-eencode ng mga contacts para sa aking database at para sa sales analysis/report.
natututo na ako gumamit ng MAC! kaso mabagal nga lang ako. sumakit pa yung batok ko. paano ba naman, ang taas ng table ko. ang baba ng upuan. (hindi kse gumagana yung pampataas) tapos huli na nung narealize ko na pwede ko naman ibaba yung monitor. tatanga-tanga! ayun. every once in a while, matatandaan ko na mag straight body. hehe. pero eventually babalik ang anyo ko sa kumpanyerang kuba. hindi epektib ang anting-anting.
oh well, still looking forward to the coming days. sabi nga ni mang fred...sana makayanan ko ang lahat! hehehe.
kapagod!!!
good luck cla! methinks only good things are in store in for you. and it's about time too :)
ReplyDeletekaya mo yan!!!!!
ReplyDeletethanks guys!
ReplyDelete