para kaming mga bata sa bel field. nag-cartwheels, luksong baka, fencing kuno, sipaan at kung ano-ano pa. ang sarap ng feeling ng hindi ka pinagbabawalan dahil baka madumihan ang damit mo o baka makasakit ka sa kalaro mo o baka masaktan mo ang sarili mo. basta ginagawa mo lang ang gusto mo ng walang pakialam sa iba. kasi alam mo na sa dulo, magiging ok din ang lahat.
sana ganito parati.
na tila abot-kamay mo ang lahat.
na lahat posible gaano man ito ka-imposible.
na hindi ka natatakot sa pwedeng mangyari bago pa man ito mangyari.
na madali kang makabangon sa pagkakamali.
ok lang yan cla.
magiging ok din ang lahat.
all in God's time.
No comments:
Post a Comment