papasok sa underground river. malamig ang tubig at malinis. napakadilim sa loob. abot lang makita ang mga kasama mo sa bangka. sabi ng guide, pwede pa rin daw magtour sa loob kahit umulan na ng 3 days (meaning high tide) pero as much as possible, hindi dapat magpaabot ng 12 noon up to 1pm sa loob. malakas ang current. papunta kasing china sea ang tubig. pwede rin daw magscuba-diving dahil may formations din sa ilalim ng tubig. maraming makikitang rock/limestone/mineral formations sa loob. mostly pagkain at animals o kaya religious figures. andun din si sharon...sharon stone! (pagpasensyahan na ang kacornyhan) ang galing! actually korte ito ng babaing nakatalikod. kita ang pwet! ang seksi! sayang hindi ko nakunan ng litrato. meron ding tinatawag na cathedral. ito ang pinakamataas/pinakamalaking parte ng underground river/cave. abot 65 feet ang taas.

No comments:

Post a Comment