Color Me...I'm Yours!

nagpunta ako nung Friday sa Shangri-La para sa aking seminar/workshop sa Color Me Mine. ang saya-saya! hindi lang kami tinuruan ng mga do's and don'ts of ceramic painting...gumawa rin kami ng works of art! mas masaya dahil libre ito! whopee! ang mahal kasi ng mga ceramic dun tapos may painting fee pa. pero sulit naman din kung magbabayad ka kasi sobrang friendly ng staff at ng may-ari (si Ms. Celia). ang cool pa nung mga ceramic things! tapos pwede ka rin matuto ng mosaic art at saka glass painting! sana makabalik pa ulit ako. sa future siguro, kapag may pera na ako.

after ng seminar ko, hinintay ko sina ate kams, bel at guiller. puntahan daw nila ako bago sila pumunta sa sunnies dinner out sa mega. ok na rin kahit ginabi ako ng uwi at nagutom. nakita ko naman ang mga sunnies...adnan, nick, kfc, ava at migs.

nakakatawa pala. sa mrt nung pauwi na ako...around 830pm, siksikan pa rin ang mga tao. yung kasabay ko na sumakay, couple. yung babae nakakapit sa kili-kili nung boypren niya. wahaha. weird!

No comments:

Post a Comment