nung umaga, nag-internet muna ako. nakachat ko si ate benette. nagsosorry kasi di raw siya makakapunta later. hmm, later? anong meron?
nagkita kme ni ate kams sa OAA ng 4pm. dapat kasi mag-girl bonding kme...swimming tapos tambay lng kung saan para mag girl talk. eh 5pm pa ang labas niya so tambay-tambay muna kami dun. while shifting through the old newspapers, may nakita akong print-out...happy birthday...di ko na binuklat. naisip ko mga patapon na yun. so kebs lang. pagpatak ng alas-singko, go na ang mga lola! hehehe. excited! si ate kams nga, nakaswimsuit na under her work clothes!
habang naglalakad kme papuntang cervini, tumawag si kalil at bumabati gamit ang phone ni mark santos (hello mark! hindi ata kita kilala pero salamat!). namention niyang kasama niya sa GR (Gabay Ricci) sila Adnan and Rollz. now i smell something fishy! pero shempz, di dapat pahalata. hahaha.
pagdating sa cervini, diretso CR na agad para magpalit at lusong agad sa pool! maya-maya dumating na sila adnan, chi, rollz at guiller. may dalang cake! yehey! tapos nagswimming din sila except si chi na walang dalang swimsuit. ang saya! after sometime, dumating din si mike pogi. akalain mo?! ang mga new friends kong si chi at mike, pumunta?! kapag sinuswerte ka nga naman.
tinanong ko si ate kams kung nasaan si ava. sabi niya assuming daw ako. eh siyempre, adopted little sister ko yun. pwede ba naman mawala. wala rin si kuya mackie at miggy bear. ano ba yun?
tinanong ko sa magic blue ball ni ate jolly (tama ba spelling), na dala ni ate kams, kung pagagalitan daw ba ako mamyang pag-uwi ko. two times sinabi ng magic ball...POSITIVELY!!! tama ba naman yun?
after 2-3 hours of swimming, napagod din kami at napagpasyahan na umahon na. gutom na rin kasi ang mga tao. medyo kinabahan ako. P200 lang kasi ang laman ng wallet ko. mukhang magpapakain ako. hindi pa naman tinatanggap sa lahat ng ATM ang card kong bulok. pano ba 'to?
buti na lang, may handa pala sila for me. as mentioned, may cake care of chi and guiller. si adnan, may dalang loaf of bread. si mike, may chips at soda. hahaha. astig ang lim coleman! hahaha. may magic ice na nagiging tubig! hahaha. still no sign of kuya mackie and ava. si miggy bear daw hindi makakapunta. sad. :(
gutom na kaming lahat kaya inupakan na ang chips na dala ni mike habang nagpipicture-taking. ubos lahat ng chips except for ri-chee na walang gustong pumansin. hahaha. apparently, ang main dish ay dala nila kuya mackie. nanggaling pa pala sila ni ava sa bahay niya para lutuin yun. kahit late, ok lang. masarap ang gawa nila! busog na busog ang lahat! dumaan din pala si mark ayaay at binigay na lang namin ang natirang cake para mabawasan ang excess baggage.
nagligpit at nagtungo kami sa bel field para mag stargazing. ayos! complete with banig! kaso wala mashadong stars. half moon kasi. puro clouds yung sky. pero ok na rin just the same. sayang, hindi na nakasama si rollz kasi may pupuntahan pa siyang despedida.
sabi ni ava, may ibibigay pa raw siya sa akin. na-excite naman ako. naglabas siya ng wine tapos may kasamang letter. awww... touched naman ako.
may dala pa siyang isang bote para paghatian ng mga tao. at hindi rin niya nakalimutan magdala ng corkscrew! hahaha. girl scout! medyo natagalan nga lang kami buksan yung bote. nasira kasi yung cork. buti na lang expert si ate kams! hehehe. si mike naadik sa scent nung wine. ayun, tagay-tagay ng konti. di kasi dapat malaman ng mga guards at baka paalisin kami. hahaha. kwentuhan, asaran at kung anu-ano pa.
around 1030pm, kailangan na umuwi ni chi. kawawa naman kasi si manong driver. tsaka may pasok din yung ibang peeps kinabukasan kaya gumayak na rin mga tao para umuwi. sila ava at adnan sumabay kay chi. si mike may dalang car. si ate kams, kuya mackie at guiller sumabay sa akin. binigay ni kuya mackie yung gift nya sa akin sa car. hindi ko alam ang itatawag dun eh. sabi ni ava, scrapbook na lang daw. so yun. scrap book. hahaha. kaya pala sila na-late dahil nagpatulong pa siya kay ava kung anong ibibigay sa akin.
ang saya-saya! next year sana ulit! di bale, ako nman ang manlilibre. hahaha.
salamat nga pala sa mga bumati, dahil hindi ko kayo mapapasalamatan isa-isa (dahil hindi tayo nagkikita o dahil kuripot lang ako magtext) dito ko na lang kayo pasasalamatan...
mga bumati sa text: ate dottie, julienne, brendy, ate phoebs, quilin, GB, lee-jay, rache, elmer, adnan, sally, joyce c., kuya oj, andrea, tin siazon, roi, genpot, rollz, charlton, chi, angela h., kitin, pitt, avadoods, may, miggy bear, sue, cathy bg, kuku, kuya tenor, mike, val rt, arkin, erina, ic, pael, ate carina, salamat family, lala, kuya mackie, ate malou, tita mercy, cheka, jay-r, ryan.
mga bumati sa friendster: josette, arlene, bonnie, tricia b., lee-jay, anabee, myra n.
mga bumati sa YM: acky, genpot, avadoods, miggy bear, jannin, ate benette, cis, roy m., kuya mikki, bel p.
mga bumati sa blog: val rt, ria, avadoods, andrea, kalil, rollz, paul m.
mga bumati sa email: galei, vanessa, cars v., ariane, sassy girls, ava d.
mga tumawag: kalil, bella, juli, pj v., paul m., dad
nagbigay ng letter: kat, avadoods
nagpadala ng ecard: andrea
nagsulat sa bday thingie: jay-r, kalil, james, rollz, tim, tish, adnan, chi, chris b., elmer, omar, mutya, marc, gema, kuya mackie, niko, ate kams, avadoods, mike pogi, ryan?, guiller whale, ate mel, rache
mga bumati ng personal: erina, charlie, con, tin, kat, mommy, OAA peeps (hahaha), veron at kung sino-sino pang relatives. napapagod na ako eh.
trivia! si avadoodski ang pinakamaraming beses na bumati sa akin sa araw na ito at iba-ibang channels! hahaha. teka, san na yung billboard ko? hehehe.
kahit napagalitan ako after at hindi na ako pwedeng gumamit ng car, astig pa rin ang birthday ko!
No comments:
Post a Comment