sabi nila yung mga may nunal sa paa daw mahilig o madalas maglalakbay. siguro totoo nga. kasi yung parehong talampakan ko may nunal. sabi nga ni kuya mackie, kaladkarin daw ako kahit i-deny ko pa. totoo nga yata kaya kung saan-saan tuloy ako napapadpad.
kung iniisip mo na ang UK na tinutukoy ko ay matatagpuan sa Europe, malamang mali ka. hello?!? ok ka lang? wala nga akong trabaho. wala nga akong pera. paano kaya ako makakapunta dun. buti sana kung may super papa ako. hahaha! asa pa. ang UK na tinutukoy ko ay ukay-ukay.
pinuntahan namin ni kat (isa sa mga little sisters ko) ang RAINBOW BAZAAR. matatagpuan ito sa may Buendia, malapit sa Makati Ave. tatlong gusali mula sa Department of Trade and Industry. isang sakay lang from Landmark.
ok na ok! (guiller tone)
aircon yung place tapos malinis. sobrang daming selection...ranging from home decor, mini appliances, sports equipment, jewelry, clothes, shoes, accessories, food, bags, books, magazines, etc. lahat na ata meron dun. pwera laman. hehehe. wholesome eh. tapos pwede magsukat. friendly pa yung mga tao. ang saya nga eh. feeling ko pwede magpictorial sa dami ng magagamit na costume.
tapos, napag-alaman namin, pwede pala magpaconsign sa kanila. ayus! hindi na ako mag-garage sale sa labas ng bahay. medyo ok naman kasi ang rate nila. 50% of sales sa kanila, 50% sa iyo mapupunta. ikaw bahala kung gaano mo katagal iiwanan sa kanila yung stuff mo. ang gagawin mo lang magsubmit ng listahan ng mga ipapabenta mo tapos lagyan mo na ng code, description at price. tatanggapin nila kahit ano basta maayos pa. ok diba? hindi ka na magpapakahirap tapos alam mong nasa good state yung mga gamit mo in case hindi mabenta.
ang saya talaga mag-explore! sa susunod ulit na may time kami, ibang UK naman. hehehe.
No comments:
Post a Comment