dahil likas kaming mahilig magswimming, nagkayayaan na pumunta sa bulacan para magswimming. instead of 8 waves, pumunta kami sa virgoni. ok rin naman. malinis naman ang tubig. sigurado kang walang nagsi-swimming na may regla... sabi kasi sa entrance, bawal magswimming ang mga may regla. iniinspect ata bago magswimming. hahaha. buti na lang tapos na ako. hehehe. ang mamuy! hehehe.
nakakatawa. yung mga life guards kasi parang mas mauuna pang mamatay kesa dun sa sasagipin. ay lolo! baka ho atakihin kayo ng rayuma! hehehe. as expected, hindi nakaswimsuit ang mga tao. mahirap talaga baguhin ang kultura. nahiya tuloy ako magswimming. meron pa ngang nakapantalon magswimming. hahaha. ang init!
may batang biglang tumalon sa malalim. bilib din ako sa life guard. isipin mo, basta tumalon na lang sa pool para sagipin yung bata! japorms pa naman siya. hahaha. nakalong-sleeved shirt tapos jogging pants. tapos naka-shades at cap. hiniritan nga ng tito ko nung umahon siya. buti na lang daw di nabasa yung shades at cap. natawa na lang yung life guard.
ok na ok kasi may videoke machines every 3 cottages. eh yung nasa isa kubo ang lakas kumanta. hinahamon ata kami. kaya bumanat din kami ng pinsan ko. hehehe. ayaw namin magpatalbog. pinapatigil na kami ng mga kamag-anak namin. magtatawag na si tito rod ng mekaniko. sira daw ata yung machine! hahaha. kapal! in fairness, naka 100 ako sa aking rendition ng "wag na wag" ni kitchie! yes! first time kong maka-100!
No comments:
Post a Comment