marami palang pinyapol sa tagaytay. hahaha. ayun. nagsimula ang journey ng around 7am. balak naming magbreakfast sa antonio's para sa aking birthday celeb. akalain mo? isang linggo nakong nagcecelebrate! hahaha. ayun. eh mukhang matatagalan kami kaya kumain muna kami ng konti sa petron. lahat ng kainan maraming tao...mcdo, pancake house, etc. kaya sa treats na lang kami bumili. pero mahaba din ang pila.
tuloy ang journey. pagdating sa tagaytay, pumunta muna sa people's park in the sky. sayang. ang pangit na niya. napabayaan. natandaan ko pa, ang ganda-ganda nun dati. ayun. picture-picture. kumain kami ng ice cream. ang mahal. tig-25 pesos ang isa kahit anong klase. isipin mo, twin popsies for P25! lugi! lahat ata pinagkakitaan. yung parking P20. yung entrance fee P15 each. yung pagsakay sa jeep paakyat ng park P5 each! todo!
pagkatapos, pumunta kami ng calaruega. hindi na namin pinasok. unang-una, may bayad kasi. P25 ata ang isa. eh magpipicture-picture lang naman kami. pangalawa, gutom na kami. sabi kasi breakfast sa antonio eh mag-11am na di pa kami nakakarating sa antonio's. para kasing tour guide si daddy. gusto lahat iniikot muna tapos may talk pa siya. alam ko na kung kanino ako nagmana. hahaha.
pagdating sa antonio's di sigurado kung nagseserve din sila ng lunch. di pala na-check ni daddy. nagseserve naman sila pero yung cuisine kasi eh normal na kinakain nila tita sa states. gusto raw nila ng filipino dishes. hindi naman kami pwede mag Sonia's garden dahil may mga bata at vegetarian dun. kaya napunta kami sa josephine's na lagi naman naming kinakainan tuwing pumupunta ng tagaytay. ok sana ang view from the restaurant. kitang-kita ang taal lake at volcano. kaso foggy.
habang kumakain, sumakit ang tiyan ko. kahapon pa kasi ako di nakaka-jebs. walang tigil pa naman ang pagkain namin ni erina sa virgoni. delikado. dami ko pa namang nakain na bibingka at makapuno balls! si charlie nga naka dalawang balik na sa CR. nung malapit nako matapos, bumulong ako kay erina. sabi ko hindi ko na mapigil. kailangan na talagang pumunta sa banyo. natawa nga mommy ko. hindi raw maipinta ang mukha namin. si erina din kasi.
pagdating sa banyo, tawa kami ng tawa. meron kasi akong naririnig na umiiri. akala ko si erina. lakas ko pa naman tumawa. hahaha. may ibang tao pala. nagpaalam na si erina. mamaya na lang daw niya itutuloy ang kalagiman. at bago siya umalis, sabi niya hindi raw ma-flush yung toilet. natawa na naman ako.
palabas na rin ako. pero pagpindot ko, hindi nagflush! patay! eh since yung hawakan ay pwedeng i-rotate, common sa mga public toilets sa malls ngayon, ni-try ko galawin into different positions! ayaw pa rin. inisip ko baka dahil kakaflush lang nung katabi. kaya naghintay ako ng ilang minuto. wala pa rin! nagpanic nako at nagtext kay con. kailangan ko na ng back-up! naka-tatlong text na ako pero walang sister to the rescue. kinabahan na ako. naisip ko lalabas na lang ako. pero everytime na lalabas na ako, biglang may dadating! im trapped! bakit ba kasi ang mga babae, sama-sama kapag nagpupunta ng bathroom!?!
after 15 minutes sa cubicle. napansin kong tumahimik na. dali-dali akong lumabas. nakakainis. nailigpit na ang pagkain ko. hindi na rin ako makabalik sa table namin dahil nahihiya ako. hahaha. what an adventure!
pagkatapos nun, dumaan kami sa Gourmet's. dito kami bumibili ng napakasarap na roman garlic spread! the best! tsaka ok yung mga dressing nila pang-salad. dahil gutom pa ako, nag-order pa kami ng pagkain. ang saya! na-traffic nga lang kami pauwi. naku, dapat ata maghanda nako for next week dahil marami pang gustong puntahan si tita before sila bumalik sa states.
No comments:
Post a Comment