bakit ba ganyan?

nung isang araw, nalaman ko na patay na yung tito ko. ambush! papunta siya sa bahay ng in-laws niya nung pinaulanan (literally) ng bala yung sasakyan niya. sa 18 bala na tumama sa kotse, 5 dun tumama sa kanya. dun sa 5, may tumama sa major artery nya kaya namatay agad. nakakalungkot. nasaan ang hustisya? para saan?

kahapon, tumawag yung officemate ko sa NGO kung saan ako nagtrabaho dati. akala ko babati lang siya ng "belated happy birthday". pero hindi! mga isang oras ata niyang ipinaliwanag ang dahilan sa kanyang belated greeting. nung araw na iyon pala, pinagreresign siya ng ex-boss ko. ayaw niya raw kasi sumunod sa utos. ang problema naman kasi sa opisina namin, hindi mo na alam kung sinong susundin sa dami ng mga nagfi-feeling na boss. marami pang nakikialam sa trabaho mo sa halip na magtuon ng pansin sa sariling trabaho. tapos, pati yung totoong boss pabago-bago ng isip! kung hindi ka ba naman maloka. tapos nagkwento pa siya ng kung anu-anong kababalaghan sa opisina namin. balita ko nga, marami na naman ang aalis. hay. hindi ko alam kung tatagal pa ang organisasyon na iyon. buti na lang nakaalis na ako habang maaga pa.

bakit ganun? lahat ng sumubok na baguhin ang sistema parang hindi nagtatagumpay...

nakakapagod. wala na bang pag-asa? ayoko sumuko...

2 comments: