what's wrong?

minsan ang hirap magtanong...

kasi kailangan ng lakas ng loob at tibay ng dibdib. at kadalasan, wala ako nun. o kung meron man, nagtatago sila tuwing kinakailangan. parang batang natatago sa palda ng nanay.

kasi baka isipin, o higit pa, sabihin na ang tanga-tanga mo. na simpleng bagay lang hindi mo pa alam o hindi mo makuha. samantalang common sense na yun. (pero common sense is not so common anymore! -sagot ng pilosopo kong safeguard conscience)

o minsan naman, dahil natatakot ka sa isasagot sa'yo. dahil alam mo sa loob mo, na malamang, yung isasagot sa'yo yung ayaw mong marinig.

lately ang dami kong gustong itanong. sobrang dami. dahil naguguluhan ako sa sitwasyon. hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-iisip ng ganun. baka masyado lang akong paranoid. o baka may problema na talaga na ayaw ko lang iacknowledge dahil ibig sabihin hindi na ulit perfect ang lahat.

napapansin ko kasi, lately nagiging iba. iba ang kilos. iba rin ang sinasabi. minsan, tulad nga ng dati pero alam mong may nagbago. basta may naiba. hindi ko lang talaga alam kung ako lang ang nagbago kaya pakiramdam ko ganun. o baka dahil feeling ko lang din na ayaw mong aminin na may nagbago nga.

so ano nga ba? bakit nga ba ganito? ako lang ba yun?

gusto ko lang itanong.

Bacolod

maaga na naman ako! haha. flight is around 825am and we have to be at the airport by 625am. aatakihin na ata ako sa puso nung umagang iyon dahil late si PJ. kala ko hindi siya nagising. plus, hindi ko alam kung pano pumunta ng airport! i usually have someone else to drive me. haha. sosyal!

anyway, this time, wala akong maaasahan to do that for me gusto ko rin matutunan kaya go pa rin ang mga lola. buti na lang pwedeng tumawag kay father dear para humingi ng directions at nakarating naman kami on time.

malas pa ni pj. kailangan isurrender ang lighter dahil hindi naman kami nasabihan na bawal pala sa handcarry yun. oh well.

true to airport tradition, may artista na naman kaming nakita. hehe. yun ay si onemig (naka-green shirt) at isang girl. ngunit, sa kasawiang palad, likod na naman ang nakunan ko. nakakahiya kse. katabi namin sila. alangan namang picturan ko ng lantaran diba? sino kaya si mystery girl.

souvenir pic bago sumakay ng plane. yes! sa wakas! natuloy din ang aming out-of-town-trip-for-girls-only! syempre medyo bangag pa kami nyan. parehong di sanay gumising ng maaga.

pagdating sa bacolod, gravy! ngayon lang ako nakakita ng human conveyor belt. akalain mo?! kala ko pa naman yun mga lalaking nangungulit, mga representatives ng kung saang hotel o taxi na nagtatawag ng customer. yun pala, sila ang kukuha ng bagahe dahil itinatambak lang iyon sa isang area. at ibibigay mo ang number ng luggage tag mo para sila ang maghalungkat sa tambak. my gulay! buti na lang wala akong dalang babasagin.


ito ang courtyard ng hotel namin. may munting fountain sa gitna. tumira kami sa sugarland hotel. ito pala ang pinaka unang hotel sa bacolod, ayon sa aming taxi driver galing airport, na hindi nakakaintindi ng tagalog unless may punto ng ilongga. buti na lang marunong si pj. dahil hindi nya ako maintindihan sa mga pinagsasasabi ko.

mga upuan sa may courtyard. ewan ko kung sang restaurant ito kasama. btw, masarap yun kinainan naming restaurant sa baba ng hotel. at kala mo naman pagkatakaw-takaw naming dalawa sa katawan namin. tama ba namang mag-order ng crispy pata for lunch sabayan pa ng batchoy. aliw na aliw ang mga waiter sa amin dahil mukhang ilang araw na kaming di pinakain. hindi ko na nakuhanan ng picture dahil wala ng natira nung naalala kong may camera akong dala. hehe. busog!


ito naman yun kinain namin sa event. yun sandwich, mukhang tikoy na may ham sa gitna. o baka kami lang ang may ganung klaseng tikoy.

pagkatapos ng event, niyaya kami ni sir jude sa aboy's. ito yun parang gerry's grill nila pero more of seafoods ang specialty. ito ang kinain naming sugpo. 900 pesos yan. pero sobrang sarap. ubos agad.

kumain din kami ng oysters. isa lang kinain ko. baka kasi sumakit tiyan ko. hindi kasi ako kumakain ng oysters. sabi ni pj, ang tamang pagkain daw nun dapat isawsaw sa calamansi tapos sa asin. naparami ang asin ko. crunchy at maalat tuloy. inabot kami ng 1.3k sa kinain namin. pero ang nakapagpamahal lang dun ay yung sugpo. good for 6 persons na. mura pala ang pagkain dito. sabi nga ni sir tom, kung 10k ang buwanang sweldo mo, mabubuhay ka na dito. sapat na raw yun.

pagkatapos dun, pumunta naman kami sa calea. isang dessert place sa may sentro. talagang tutulo ang laway mo sa mga cakes dun.


ito si sir jude na kaisa-isang taong pumayak magpauto sa akin at magpapicture kasama ng mga iba't ibang klase ng ice cream cake. ayaw na talaga naming kumain pero nung natikman namin ang cake...


"heaven in your mouth!" ang feeling. ito si pj habang nilalasap ang cake. in fairness, mura din siya. sa 5 tao, naka mahigit kumulang na 250 lang ang nagastos namin. kasama pa yun mga kape.

ito ang itsura ng calea. cute din ang interiors. modern na simple lang. cute din ang mga ilaw na may takip na mukhang lady bug. maganda rin ang mga packaging ng cake. sayang nga lang at di pwedeng mag-uwi dahil matutunaw.

si manong sa bongbongs. pinagmamalaki ang kakaibang pagpackage nila ng mga pasalubong. meron kasing matibay na plastic na tali, yung pang balikbayan box, na ginagamit para madaling mabitbit ng mga bakasyunista.
sana mas matagal pa kami next time dahil wala naman kaming masyadong nalibot. gusto kong kumain dun sa mamma mia na pizza place. drive-in siya. parang sa states na drive in movie. at pinagyayabang nito na sila ang may pinakamalaking pizza sa pinas. 26 inches daw!
oh well, next time na lang ulit. sana magkaron kami ulit ng event na friday para pwede mag-extend sa weekend.
oo nga pala, nakalimutan kong banggitin na si jackie manzano ang stewardess namin sa flight pabalik at nanalo ako sa games. hahaha. showbiz talaga!