left out

last sunday lang ako ulit sumama sa pagkanta sa mass sa choir...after my "summer leave". ang weird ng feeling. yun bang parang ang dami mo ng namiss. na hindi ka makarelate. :( ang sad.

but the good news is...baka starting next sunday sumali na ako ulit. hehe. yehey!

do i look old?

nag-greenhills kami last saturday ni noel with con. hehe. magtitingin kasi si noel ng phone tapos si con naman mamimili ng damit. ako? alalay. hahaha. tsaka nakaplano na na manonood kami ng "the da vinci code" dahil matagal na naming pino-postpone ang panonood nito dahil sa trabaho at kung anu-ano pa.

nakipagkita kami kay noel sa may starbucks sa theater mall at around 3pm pagkatapos ng dentist appointment namin ni con. tinulungan maghanap ng damit si con at namili rin ng kaunti. tinamad na kaming magtingin ng mga phone dahil napagod sa pagsuyod ng mga tiangge. hindi pa pala naglunch si noel. bago kumain, nilagay namin ang mga pinamili sa sasakyan para wala na kaming bubuhatin at aalalahanin. naisip din namin bumili na ng tickets para hindi maubusan dahil mukhang marami pa ring nanunuod.

magkahiwalay ang linya na pinilahan namin ni noel para makita kung saan mas mabilis umandar ang mga tao. nauna siya dahil yung magkasintahan sa harap ko ay hilo pa ata sa pamimili. dun pala sila manonood sa promenade pero sa theater mall sila bumibili at ang dami pang tanong sa babae sa counter kaya lumipat ako sa pila ni noel nung tinawag nya ako.

sabi nung babae..

CG (counter girl): sino-sino po ang manonood?
noel: kaming tatlo.
CG: ah ilang taon na po kayo?
noel: twenty-three.
CG: eh siya? (sabay turo kay con)
con: twenty.
CG: pwede po bang makita ang ID?
ako: (singit sa usapan) ako? hindi mo tatanungin? (sabay tawa ni noel at con)
CG: (ngumiti lang)
ako: ganun? nainsulto ako ha? so mukha na akong matanda?
noel: baka kasi nakaspongebob shirt ako... (pampalubag-loob)

pagdating sa kainan, tawa pa rin kami ng tawa sa nangyari. bakit ganun? mas mukha ba talagang bata sa akin si noel? ack! ayoko maging sugar mommy!

i need stresstabs!

last saturday nagpadentist ako to have my "half-tooth" checked. mahirap na. baka mapaaga ang paggamit ko ng pustiso. hehe. medyo nagulat ang dentista namin dahil kakapunta ko lang earlier this year tapos balik na naman agad ako.

pagtingin nya sa ngipin ko, ang una nyang tanong... "stressed ka ba?"

sabi ko naman "medyo po. nagsales na kasi ako eh. bakit po?"

"kasi one of the recent findings sa cause ng pagkabungi/brittleness ng ngipin is stress. wala ka namang history of grinding (yung pagkiskis sa mga ngipin kapag nase-stress or kahit natutulog lang) at wala naman cracks yun ngipin mo. at buong buong natanggal ang half!"

"ganun po ba? sabi kasi ni ma, baka kulang lang ako sa calcium..." (sabay kamot ng ulo)

"kung kulang ka sa calcium dapat lahat ng ngipin mo ganun. e isa lang yan e. at saka di ba sumasagit yun part na yan?"

"ah...hindi naman po. bakit?"

"e exposed na yun nerves mo e." (sabay turo at tusok ng instrument para idemonstrate kung nasaan yun nerves) "wala ka pa ring nararamdaman"

"wala po"

"ang galing! o sige, lagyan ko na lang ng filling para hindi magalaw yung nerves. tapos hintayin mo na lang matanggal yun ngipin. kasi kung i-root canal natin, mapapagastos ka lang pero mamamatay din ang ipin mo. sayang lang ibabayad mo."

"ok po."

----------
grabe naman ang stress na nararanasan ko pala. aside from having dandruff, natatanggal pa ngipin ko. huhuhu.

same same

akala ko nagbago na ako...

hindi pa pala...

kulang pa...

sorry...

Ü

depression makes you...FAT!!!

ang dami kong nakain ngayong lunch. 2 order ng spaghetti tapos isang bbq. hay grabe. katakawan.

me: in fairness, lumalaban ako ngayon sa lamunan ah...
lyn: oo nga mare.
me: and to think nakatig-dalawa tayong order ng spaghetti, ang bilis maubos!
tes: huwat?!
lyn: oo. ganyan ata talaga kapag problemado sa benta...
me: alam ko na kung paano malalaman ng tao kung ok benta natin.
lyn: paano?
me: kapag sumeksi tayo! kasi hindi tayo mapapakain nun e.

(sabay tawa)

ack! langya. nakabenta nga, problemado naman sa account. nyarrr! hehe. at least hindi ako natalo sa pustahan. haha. manlilibre si lyn ng 2 pizza sa yellow cab kasi PO nya yung unang lumabas sa parehong fax machine. whopee! merienda mamaya! hehe. sana siya ulit pinakahuli para libre food na naman tom. hahaha.

client call

ok naman ang client call ko kahapon. mababait sila. and not as obnoxious as i expected. hehe. kaya fun fun. nagkita pa kme ng friend ko dahil hinatid namin (kasama ko kasi si noel...bodyguard) sila sa next appointment nila. buti na lang dinner yun dahil kung hindi, napagastos ako ng todo. haha. eh ang kuripot ko pa naman. hindi naman kasi reimbursible yun e, manggagaling sa sarili kong bulsa. e ako nga, pinipigilan ko kumain sa mga sosyal na lugar e, pang super special occasion lang talaga. tapos ililibre ko sila? gravy!

napag-usapan ang pagbisita sa opisina nila sa baguio. hehe. sana nga matuloy. may 4 na clients pa ako dun e. haha. at syempre, pwedeng iplano ito in such a way na kasama ko si noel pagpunta ko dun. yehey. may tourist guide pa ako. haha. pero payagan naman kaya ako?

saka ko na nga proproblemahin. balik trabaho muna para makabenta. hehe.

pusta ka?

may pustahan kami dito sa division namin. wala kasing tao mamaya. ako lang. yun dalawa, aattend ng training. yung isa, magtra-train sa client. kaya lahat ng accounts mamayang hapon...hawak ko.

sabi ni mommy irms, pustahan daw kami. kung sino ang may unang lumabas na PO (purchase order para sa mga hindi nakakaalam) sa fax machine, manlilibre sa operations dept ng isang large box ng yellow cab pizza. hehe. excited na ako. malamang hindi ako yun. haha.

pusta nga sa akin, kahit maka-isang PO lang ako today manlilibre ako e. asa pa! hehe. pero maganda rin naman kung meron. sings "wish ko laaaanngggg...." hehe. commission din yun. kaso ang layo ko pa sa quota. huhu.

magkaiba tayo

nakakatawa kung paano nakikita sa mga simpleng bagay ang pagkakaiba ng mga tao.

magkachat kami ni pitt kanina. pinag-uusapan ang isang tao na nakilala nya sa trabaho na sa palagay ko ay kakilala ko rin. dahil kulang-kulang ang impormasyon na alam namin para maikumpara kung iisa nga ang tinutukoy na tao, nauwi sa pisikal na anyo. tinanong ko siya kung may nunal ba yun tao.

tama. nunal!

e kasi naman, kapag ibang physical attributes, subjective! pwedeng yung matangkad sa akin, maliit sa kanya. o kaya pano naman nya sasabihin na pogi ang lalaki kung hindi naman siya babae. at least yung nunal medyo common ang idea ng mga tao. hehe.

monthsary

hindi ko alam kung kailan talaga kami magcecelebrate. at dahil sa kakaisip every month kung kailan talaga, hindi tuloy ako nakakapaghanda. :(

nagsama ang corny

nung isang gabi pagdating namin ni noel sa bahay, sabi ni charlie...

"hey man! where's your wallet? this is a hold-up!" (with American twang).

hindi namin napigilan tumawa ni noel. at hindi pa yan. sinundan pa ng...

" hey man! where's your kid? this is a kidnap!" at "hey man! come with me! this is a hostage!"

hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga attempts niya na magjoke o sa kakaibang way ng pagbuo nya ng mga sentences.

ngipin

ack! naputol yun part ng molar ko last week. huhuhu. sabi ni ma, kulang daw ako sa calcium. this means kailangan ko na uminom ng milk. ulk. i hate milk. yuck. basta. ayoko ng lasa nya. at saka, sumasakit tiyan ko kapag umiinom ako ng milk.

pwede rin daw soy milk. i don't know which is worse. milk pa rin yun. hay...

because of avadooders...

i rediscovered that i still don't know how to make a pinwheel. sad. i remember when i was a kid looking at other kid's colorful pinwheels and wishing that i knew how to make them so that i can also play with one. i wonder why it never never occurred to me to asked my sisters how they make one of those.

i'm so excited. one of these days, ava is going to teach me how to. yey! Ü

miracle at 8

I AM NOT LATE!!!

woohoo! gravy! ako ang huling umalis ng office yesterday at ako ang nagbukas ng opisina today. this is blog-worthy news. i think i am really turning over a new leaf. haha. i hope this lasts. panira lang kahapon kasi na late ako. but it's ok. improving, improving ang lola nyo. on the average, 3 times a week ako late. this week once lang. hehe. yikee! dapat next week ulit. hehe.

tagged by chocolate rollz

Name ten of life's simple pleasures that you like most, then pick ten people to do the same. Try to be original and creative and not use things that someone else has already used.

1. eating fishballs and dirty ice cream especially when you really had a bad day.
2. smelling noel's cheeks. hahaha. (see previous post)
3. not getting scolded or reprimanded by mommy (for whatever reason) so early in the morning because it ruins my day
4. not being late for work. it is a miracle that they have not fired me...yet! hehe.
5. using the car and finding out that the gas tank is full, thanks to daddy.
6. swimming...even if its just in a "batya" (planggana o kung ano man ang tawag. di ko alam ang english e. ang hirap naman.)
7. playing games.
8. meeting up with friends. i dont get to see them or talk to them as much as before.
9. laughing to the point of crying or farting. wehehe. ( o sige na. kadiri na ako.)
10. Being tagged when you least expect it. Haha. Thanks Inay.

Tag! You are it!! Papu, Ava, Ria, Pitt, Ate Kams, Les, Lizzie, Paul, Jory, and Kuya Chito

tagged by chi!

The first player of this game starts with the "6 weird things/habits about yourself" and people who get tagged need to write a blog of their 6 weird habits/things, as well as state this rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don't forget to leave a comment that says "you are tagged" in their comments and tell them to read yours.

1. kapag nasa bagong lugar ako, sumasakit ang tiyan ko at kinakailangan kong mag"download". minsan naiisip ko na baka nareincarnate ako mula sa aso. para kasing nagmamarka ako ng teritoryo tuwing nangyayari ito. kaya para maiwasan, kailangan kong tanungin kung saan exactly pupunta para ma-acquaint ko na ang sarili ko sa lugar bago pa dumating ang "big day".

2. kapag naliligo ako, dapat tuyung-tuyo na ang buhok at katawan ko bago ako magbihis. kung hindi, magpapawis ako na parang trabahador. as in yung pwede ka na maging superhero dahil may special powers ka. at hindi lang basta tuyo na towel dry. dapat blow dry. hindi ko alam kung psychological lang ang effect pero talagang ganito ang nararanasan ko kapag hindi yun nasusunod. kaya madalas matagal ako magbihis pagkatapos maligo.

3. kung sa unang beses ko natikman ang pagkain, may kasama siyang sawsawan, sa mga susunod na beses na kakainin ko yun, dapat may sawsawan din. kung wala, hindi ko siya kakainin o kaya pipilitin kong maghanap ng sawsawan. basta dapat laging may sawsawan. kunwari sa lumpia. nung unang beses ako kumain ng lumpia may kasamang sweet and sour sauce. kaya tuwing kakain ako ng lumpia, kailangan may sweet and sour sauce. kung hindi sweet and sour ang sauce, maghehesitate akong kainin ito. (ito ata ang isa sa mga rason kung bakit hindi ako tumataba dati. hehe).

4. mahilig ako mang-amoy. mabango man o mabaho. basta may amoy. (reincarnated ata talaga ako mula sa aso. see #1) may heightened sense of smell ata ako. ang paboritong kong amuyin ngayon ay ang pisngi ni noel. syempre mabango. nakakaadik at nakakahigh. hahaha. pero yung high na maganda. yung parang happy ang feeling. siguro gumagamit siya ng clinique happy. hehehe.

5. adik ako sa pagbubunot ng buhok. san ka man naroroon bubunutin kita. mapuyat na kung mapuyat basta mabunot lang kita. kaya nga ngayon hindi na ako madalas magpuyat sa panonood ng palabas sa tv kasi nagcoconcentrate ako sa pagbubunot ng buhok. haha. mapakilay man o kili-kili. para kasing may sense of achievement. katulad siya ng feeling kapag nagtitiris ka ng pimple o blackhead o whitehead. ang sarap!

6. kapag natutulog ako kailangan surrounded ako ng pillows. hindi lang isa o dalawa. teka bilangin ko. may baby pillow ako na since baby pa ako, may dantayan na since grade school, may malaking unan (standard size), may pink panther galing kay jolitz, may winnie the pooh na hindi ko alam san nanggaling, may pink na hello kitty na galing kay bf cathy, may blue na hello kitty galing kay tita merlee at may disney pillow galing kay mike. 8 all in all. dapat lahat ng buto sa katawan ko na lumilitaw may padding. ang sakit kasi kapag tumatama e. at kapag may nawawala kahit isa dahil nalaglag or nawala siya sa posisyon, nagigising ako.

kailangan sagutin ito ni... (dyandyararan!) noel babuy, joydmango, ninna, may, and bonnie! Ü

sa wakas natapos ko na rin. naka-5 ulit na ako e. lagi kasing may mangyayari kapag isa-save ko na. hehe.

my little macho gwapito

nung May 1, lumabas kaming pamilya at pumunta sa Sitio Lucia sa Bulacan para magswimming. hindi sumama si kat dahil as usual, nag-aaral. may nakakatuwang nangyari sa pool.

nasa malaking pool kaming tatlo ni con at charlie. naglalaro. karamihan sa mga tao ay promdi. as expected, medyo napapatingin sila sa amin dahil kami lang ang nakaswimsuit. iba pa rin talaga ang kultura ng mga Pilipino. para kaming naging resort attraction. haha. celebrity?

makalipas ang ilang minuto, eto na! may grupo ng lima hanggang anim na mga lalaking galing sa kabilang pool ang naka-"spot" sa amin. napatingin ako sa direksyon nila at napaisip. alam ko yata ang pakay ng mga ito. pero di ko na sila pinansin.

maya-maya, eto na. unti-unti na silang lumalapit at pinapalibutan kaming tatlo. si charlie, dahil bata pa, ay walang napapansin sa nangyayari. nagkatinginan na lng kami ni con.

umurong kami papunta sa gitna ng pool, sumunod sila. bumalik kami sa may gilid ng pool, sumunod pa rin. aba, sinusubok talaga ako ah.

ilang minuto pa, naririnig ko na silang nag-uusap.

guy 1: tol, sino ba diyan ang gusto mong makilala?
guy 2: ayan o. (sabay turo)

hindi ko sila nakikita. nasa likod ko kasi ang mga nag-uusap. pero sa mukha ni con, alam kong ako ang tinutukoy nila. nakikita ko ang ibang lalaki. kung ikukumpara sa mga pelikula, sila ang mga asungot o henchmen. hehe. sunod lang sa utos ni boss.

nagsimula na akong magcountdown dahil alam kong ilang sandali na lang lalapit na sila at magpapakilala. dali-dali din akong nag-isip ng mga magandang dahilan at paraan kung pano sila pagsabihan para hindi na kami istorbohin at para mukhang astig kapag kinuwento ko sa iba o sakaling may makarinig sa pag-uusap namin.

guy 2: miss taga-tuguegarao ka ba?
ako: (sa isip) huwaw!?! what-a-pick-up-line?! aba, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa iniimply ng tanong nya. (hindi ko nga pinansin)
guy 2: miss, taga-tuguegarao ka ba?
ako: NO! (sabay talikod)
guy 1: miss pwede makipagkilala?
ako: NO! (sabay hila kila con at charlie sa ibang direksyon, palayo sa grupo ng mga lalaki)
charlie: (bumubulong ng malakas--->hindi pa nya nakukuha ang tamang pagbulong) ano ate? bugbugin ko na? ha? ha?
guy 2: ayaw nyo ba makipagkilala?
ako: NO THANKS!
guy 2: bakit naman?
guy 1: you don't talk strangers?
ako: (sa isip) what the? you don't talk strangers?! hello?!?
guy 2: sige na miss, pwede magpakilala?
con: WE'RE NOT INTERESTED!
charlie: ano ate? duduraan ko na to? kasi naman. isang sapak lang. pumayag na kayo!
ako: (habang hinihila si charlie papalayo) ok ka lang? parang ang laki-laki mo ah...
charlie: e ano? kaya ko sila.
con: (tumatawa) ang iingay mo charlie. madami kaya sila.
cla: oo nga. as if kaya mo noh.
charlie: makaisa lang ako. sige na. (with matching papigil movements)

sa wakas. lumayo na rin sila at iniwan kami. wala talaga silang mapapala sa amin noh. faithful ata ito. at ick! ewan ko ba bakit nahihilig ang mga ibang tao sa mga ganyan. pathetic.

pagbalik sa amin ng table...

charlie: alam mo ate tin, buti ka pa...
tin: bakit?
charlie: walang nagpapakilala sa iyo. etong dalawa...ewan! pinapahirapan ako e.
ako at con: Hahahahaha!
tin: hindi kasi ako nagpapacute.
ako at con: whatever!

natawa rin si mommy at daddy. kinwento namin ang aming adventures sa pool. hay naku. these are the moments that make me happy i'm with charlie. i'm so proud. haha. love naman pala nya kami. ang sweet ng kapatid ko. haha. sana lagi siyang ganyan at hindi kami inaaway. hehe.