joining the klumps

telltale signs kung paano mo malalaman kung tumataba ka na:

1. kung dati, kapag nakikita ka ng mga tao ang sinasabi nila "uyy, ang payat-payat mo pa rin. kakainggit!". ngayon, kapag nakita ka nila ang bati nila sa iyo "huy! anong nangyari sa'yo? ang taba mo na!"

2. kailangan mo ng i-let go ang mga pinakamamahal mong damit dahil para ka ng suman kapag isinuot mo sila. at ang comment ng mga tao kapag nakita ka, sakaling pinilit mo itong pagkasyahin... "is it just me o nagshi-shrink ata ang mga damit mo? wag mo kasing labhan sa mainit na tubig!"

3. kung dati, hindi ka makahiram sa mga kapatid mo ng damit kasi nagmumukha kang hanger sa luwag nito sa iyo... ngayon, puro damit na nila ang isinusuot mo kasi wala ng natira sa mga damit mo na pwede mong isuot.

4. hindi ka na pinipilit ng nanay mo na kumain pa ng marami. pinipigilan ka na niyang kumain dahil baka pumutok ka na.

5. napagkakamalan ka ng buntis sa laki ng tiyan mo. o di kaya tinatawag kang curvaceous. dahil ang korte mo ay puro curves lamang.

6. dati, kapag nacu-cute-an ang tao sa iyo, pinipisil o kinukurot ka sa pisngi. ngayon, pinipisil at kinukurot ka pa rin... pero sa tiyan.

7. nung payat ka pa, sinasabi sa'yo ng bf mo "i love you more!" ngayon, "there's more to love!"

----------
wala lang. naisip ko lang kasi tumataba nako. buti na lang lenten season. kailangan magfast dahil ako'y isang "adult". hehe. siguro naman mababawasan na ang tiyan ko. hehehe.

what ifs, what is and what will be

while reading the newspaper early this morning, i came across and article about a certain NGO that i applied for and turned down just before i was about to start working. what caught my attention was a picture of the staff. one of them was the person whom i replaced in my current job.

how small can the world be?!

this little thing led me to a whole morning of reflection on how one's choices (no matter how small or big they may be) can really make a difference in one's life. it was like the world was telling me something at that particular moment.

i'm not quite sure if there is a connection to the fact that i have just finished reading "The Giver" which my babuy gave me as a Valentine gift (thank you very much!) and we had just watched "Memoirs of a Geisha" the night before. both things made me think about the choices that i have made in my life. maybe it was the timing of all three that pushed me acknowledge that i had to voice it out.

i started going back to the time i resigned from my previous job. a month after, i immediately, got accepted in this NGO but just after accepting the position, i got a call from a certain company that i am on the last leg of my series of interviews. it was one of the hardest decisions i ever made. i certainly could not take on both jobs. and i chose the latter. although it didnt turn out well and it left me another 5 months of being jobless.

those were hard times. i didn't have the strength to start anew. i spent a great deal of times (i'm talking about zombie days) in front of the computer. chatting endlessly. blogging. friendster-ing. going out and spending a quite part of my savings. but it was not all that bad.

on the other hand, i also learned a lot of things. some parts of myself that i would have never discovered had i not been a bum for some time. it also gave me the opportunity to reconnect with old friends and gain new ones in the process. i was able to participate in a lot of volunteer activities, meet new people, learn new skills and i realized that there really is a whole lot of the world left to be explored and conquered. had i not made that choice, i may not have met my babuy who makes me feel giddy all over whenever i think of him or when i am with him.

i guess my point is that whatever choice we make, what is important is how we make the most out of it.

------------
so live life without regrets! go for whatever that makes you happy! never be afraid! you can't discover new oceans unless you have the courage to lose sight of the shore, because only those who risk can tell how far they can go.

think happy thoughts! Ü

what the hell is happening

i feel so clueless. it's like coming from outer space and everybody is talking gibberish.

i think the last time i read the news was ages ago. i haven't even watched the news on TV at least for a month. i can't understand why a "state of emergency" has been declared.

where did all of this come from? why did this have to happen?

----------
it makes me guilty all the more. knowing that i should have spent some of time time catching up on current events. but can you blame me? i am up to my neck with my work and yet, i still feel as if i'm not accomplishing as much as i want to. argh!

wag kang papaloko

hay nako. napaka techie na ng mga manloloko ngayon. kahapon muntik na ako. buti na lang lagi akong alive, alert, awake, enthusiastic! hehehe.

ingat kayo sa mga nanghihingi ng pera sa YM. baka nahack ang account ng friend nyo. to be sure, tawagan nyo siya. i'm pasting my YM conversation with "ate kams". este, someone pretending to be her.

----------
kams: clatot?
clarisse: o bket?
clarisse: kakabalik ko lng from mtg e
kams:
kams: ah ok laki ng p roblem ko
clarisse: anu
kams: ay clatot may pera ka ba ngayun?
kams: 3k bayaran ko rin bukas
clarisse: withdraw pa ako
clarisse: hindi ako nagkekeep ng pera e
kams: ay kaya ba ngayun?
kams: kaya ba ngayun?
clarisse: oo
kams: kse ganito
kams: yung cousin ko ngayun sa states nag papabile sa akin ng card papadalan nya na lang yung pera
kams: tommorow sa akin bigyan nya ako 100 dollar problem
kams: wla namn akong pera
kams: kaya ok lng syo hiram muna ako bayaran ko na lang tom?
BUZZ!
BUZZ!
clarisse: oks
clarisse: sorry
clarisse: hehe
clarisse: kausap ko yun officemate ko e
clarisse: mit tayo gateway?
kams: ngayun clatot ganito na lang?
kams: kse aalis na rin ako now
kams: ? pabile na lang ako syo ng card para mabigay ko sa cousin ko?
(at this point im starting to have doubts. ayaw nya kse makipagmeet sa akin. which is so uncharacteristic of ate kams na super kaladkarin.)
clarisse: anong card?
kams: smart buddy 500 6 pieces bibigay ko sa cousin ko kse naka roaming sya pinabibile nya ako wla naman akong pera papadalan nya rin ako ng 100 dollar tom o klng?
clarisse: tpos pano mo kunin?
kams: dito wait kita ngayun?
kams: bibigay ko sa cousin ko kse ngayun?
clarisse: san dito?
(i asked this to make sure na siya nga iyon. i wanted her to say where because i know there is only one place where ate kams has access to internet connection.)
kams: dba number lng yung kausap ko ko kse sya? tapos
kams: dito sa ym
(hello?! tanga ba ako? kakasabi mo lang na aalis ka tapos bibigay ko sa YM. duh! at this point i already knew it was a hacker. so to confirm, i called her office. no one was answering the phone. so i called her mobile and she said she was not in the office and definitely not using her YM)
clarisse: hoy hacker!!!!
clarisse: lagot ka!!!
----------

this person was talking to most of our common friends. good thing YM had a feature of sending messages to everyone in a group so i immediately sent a warning to our common friends. guys, i hope you're all careful with your passwords. make sure to log-out everytime. and to change passwords every now and then as a precaution.

anong alam mo?

click here and let me see what you think

memorable first


isa na ata ito sa pinakamemorable firsts na nangyari sa buhay ko. definitely an event i will never forget.

happy first!


*isa ito sa mga pinakaunang kuha natin. Ü

pendong peace!

more kalbo jokes!

bakit hindi pwedeng magsuot ng turtleneck ang mga kalbo?
kasi mapagkakamalan silang deodorant...

bakit hindi pwedeng sumilip sa pinot ang mga kalbo?
kasi mapagkakamalan silang doorknob...

------------
thanks to arkin and ria for making my day.

hilarious monday

joke time na naman!

bakit hindi pwedeng mag hairnet ang mga kalbo?
...kasi magmumukha siyang microphone!

bakit hindi pwedeng magswimming ang mga kalbo?
...kasi magmumukha siyang fishball!

hehehe. anu ba yan. monday na monday kakabagan ako. hehe. naiimagine ko na ang mga kalbong nagswiswimming. syet. fishballs. gutom lang 'to...


---------
thanks papu!

bangkok at last

eto na ang pinakaaabangan na litrato. hehe. sayang konti lang. limited time e. may gagamit ng computer. kaya shortcut din ang explanations. haha. evidence na naman ng pagiging vain. hahaha.

sawasdee! (thai greeting. para kunwari nakarating ka din)

pinakamalaking grupong nakapila sa airport! yey! aalis na kami!

kunan daw ba ako habang natutulog? at ang nagpasimuno pa ay si sir manfred na boss ng kabilang division. buti na lang hindi ako nakanganga.

candy-colored taxis...dito lang ako nakakita ng mga taxi na kulay bright orange, hot pink at electric blue! i must've been dreaming.

ang mala-edsa view mula sa aming hotel (eastin hotel)

ang unang monk na nakita ko sa labas ng temple. dalawa dapat yan e. kaso kakasakay lang ng bus nung isa. talagang naka saffron robes pala sila!

kahit saan ka pumunta makikita mo ang litrato ng hari nila.

marami silang monumento na parang sa welcome rotonda. kaso mas malaki, malinis at may fountain.

reclining buddha

magpapapalit ka ng 20baht at bibigyan ka nila ng tokens na ilalaglag dito sa mga lalagyan. sa bawat lalagyan na huhulugan mo ng token, magwiwish ka. isang buong side ng temple ito. kapag nakumpleto mo, malamang na matutupad ang wish mo. yung ang pagkakaintindi ko dun sa sinasabi nung taong nag-eexplain sa ale na gustong sumubok maglagay ng barya. haha. kala ko pangsalo ng tulo sa bubong e. nirerenovate kasi ang lugar dahil marami ng sira.

wat po?! temple ng reclining buddha

close up ng "wallpaper". actually, handpainted ang mga pader. kaya bawal hawakan.

isa sa mga temples na matatagpuan sa compound. panira ng kuha yung mama na nagseset-up ng camera sa tabi.

ang ganda nito. kapag tiningnan mo upclose gawa siya sa maraming mga tiles. ang tiyaga ng gumawa nito. napakabusisi.

mga golden buddha statues. sobrang dami nila.

sabi ng guide namin, dapat daw hawakan itong mga istatwa ng mga may asawa na hindi pa nagkakaanak o ng mga bagong kasal. for fertility ata. gusto ko sana hawakan kaso, baka mabuntis ako ng wala sa oras. hahaha.

hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga tusok-tusok na ito. wala naman kasing ineexplain ang aming tour guide. busy siya sa paghahanap sa mga pasaway naming officemate dahil baka maiwanan.

habang hinihintay ang aming sundo. yung taong nakablue si tommy. ang aming tour guide na bading. ok siya. kung babae ka. kasi kabisado niya kung saan maganda magshopping ng kung ano man na gusto mong bilhin. mabait din siya. kaso feeling ko lugi kasi wala naman ako masyadong natutunan e.

tallest buddha...wat rai phrik yung unang tawag. nakalimutan ko na kung anong tawag ngayon. hehe. bless me and my poor memory. kulang na sa pork, beef... in short ulyanin na!

table number 1 ...steady lang.

table number 2 ...mga nahuli at gutom na gutom

mga pasaway sa mall...tama ba naman sumalampak na lang sa sahig? buti na lang hindi mahigpit dito.

sinabi ng officemate ko, kuhanan ko raw. e di kuhanan. haha. kala ko nung una sperm bank. buti na lang nagzoom ako at nabasa ko. kaso bakit ko naman papangalanan ang shop ko na ganun? nakaka-enganyo nga ba pumunta dito?

mga empleyadong pagod...habang nagshoshopping ang mga boss. kasi naman, ang mahal dito. puro mga brand name! hindi namin carry...poor lang kami. haha.

si vic, ako at si lyn...wala lang. pa-cute. hahaha.

si sam, charlie at alvin... hinding-hindi ko makakalimutan si charlie at ang patpong experience (no f*cking, no f*cking?!). sa kanya ko nakuha ang "same same" at ang analogy na ang good driver is the same as saying you are a tuktuk driver. miss ko na siya! kahit lagi siyang mukhang galit. haha. my kind of driver! hahaha. basta. nakakaaliw siya talaga.

sa patpong...kung saan nagkaron kami ng "awakening" dyoskoday! mahihimatay ang nanay ko kung nalaman niya kung anong mga nakita ko dito. pagkatapos niya akong bilinan na WAG NA WAG pumunta dito at manood ng... yun na yun!

breakfast sa hotel. overlooking ang hotel namin sa parang edsa flyover chuva. ang cool! in fairness, masarap din ang pagkain sa hotel. hindi nakukumpleto ang umaga ko ng hindi ako nagdodownload sa dami ng kinakain kong waffles (na kulay bright yellow), bacon, eggs, danish pastries, vegetable salad, at fruits. sana ganito araw-araw.

dito lang ata ako nakakita ng streetfood na parang hindi nakakadiri. tingnan mo naman ang pagkaOC ni manong.

hmm...is it me or is there really something wrong with this? yung very sale nila mahal pa rin. dapat siguro, bumili lang kapag VERY VERY sale. hehe.

si manong driver slash tourist guide. complete with guidebook mind you! napag-alaman ko na may commission din pala sila kapag nakatulong sila sa pagboost ng tourism dito. ayus. ang galing pa ni manong mag-explain. sayang, gusto ko sana pumunta sa sinasabi niyang waterpark. kaso limited lang ang time.

siksikan sa loob ng taxi. sosyal ang mga taxi dito. leather seats. at puro altis. wa ako ma say!

kainan na! kuha sa kfc. wala silang gravy. at 6 lang ang pagpipilian na meal. yung plain chicken, maanghang pa rin. haha. meron din silang tinatawag na complete meal. eto yung kinakain ni amie. hindi ko alam kung ano yung parang soup/stew na kasama. alam ko lang maanghang din siya.

kapansin-pansin ang napakalaking mug ng softdrinks...kaso tadtad naman ng yelo. ganun din. sasakit pa ipin mo kasabay ng brainfreeze.

ang sarap! matapos mabahingan ng waitress ang fries ni lyn...kain pa rin! dahil ang reigning motto ay...what are antibodies for?!

sa harap ng zen central! pagpasensiyahan na ang photographer. medyo tabingi kumuha e. gutom pa.

nagpakuha kami kay manong guard. mukhang di siya marunong magfocus ng camera. sahig ata ang gustong kunan ng litrato. o...ganun ba kami kapangit?!

ang walkway dito may tamang lane din. parang mga sasakyan. hehe. in fairness, most of the time, sumusunod ang mga tao sa tamang lane. eto lang ata yung instance na nakakita ako ng taong lumagpas sa tamang lane niya.

escalators

sa harap ng siam paragon. sa wakas! pagkatapos ng paglalakad...eto yung shangri-la kung nasa Pinas. pero iba dito. kasi kahit hindi gaanong maayos ang suot mo, ayus lang. tipong kahit naka sando at tsinelas ka, hindi ka naman sisitahin ng mga guard. ang ganda ng food court dito. sosyal!

kiss me quick! hehe. nainlove na ata si lyn.

pumunta kaming ocean world! err, actually di kami talaga pumasok. ang mahal kasi e. 450baht. hello! mga isda lang yun noh! hehe. kaya nagpicture na lang kami sa labas. ang ebidensiya ng pagiging pasaway namin makikita sa mga sumusunod na kuha.

oh my squid! ang cute-cute niya. kaso ang mahal. i think almost 800baht ata. hay. gusto ko pa naman siya yakapin sa pagtulog.

biktima ng mga eksperimento...swimming with the fishes. dapat ako ito e. kaso di makuha ni lyn yung gusto kong concept. haha. so siya na lang.

si ms jo with a colorful fish...di ko alam kung anong itatawag e.

si jenny with a dolphin/whale

si lyn kasama ang dolphin

pahinga muna bago maglakad ulit. lahat ng tao dito naglalakad. hindi sila napapagod. siguro dahil malinis ang kapaligiran. tapos maganda at maayos ang nilalakaran nila. yung tipong walkway na matatagpuan sa makati papuntang greenbelt.

sa harap ng MBK...isang malaking shopping center. dito ata pinakamaraming taong pumupunta e. para siyang megamall at greenhills combined!

err...di ko alam kung seseryosohin ba ito. nakita namin ito sa isang lingerie shop. kaya feeling ko naman ang layunin nito ay para malaman ng mga babae kung paano ba sukatin ang b**bs nila. haha. in fairness, may sense of humor at siguradong makakarelate ka. sabihan ka kaya na parang kagat ng lamok yung b**bs mo, ewan ko lang kung hindi mo pa ma-gets.