namatay sa maling akala

hindi pala exciting ang buhay ng mga atsay...

sa isang buwan kong pamamalagi dito sa bahay (dahil sa kawalan ng trabaho na nagbubunga sa kawalan ng pera), damang-dama ko ang pagiging atsay...wala pang sweldo. araw-araw na lang wala kang gagawin kundi maglinis ng bahay.

ngayon alam ko na kung bakit kailangan ng day-off. magsasawa ka talaga sa gawain at itsura ng mga kasama mo. magkakainisan pa kayo kasi simula pag-gising hanggang bago matulog kayo-kayo rin ang magkakakitaan, dinigan, amuyan at kung anu-ano pa.

tapos wala man lang exciting na nangyayari sa buhay mo. ang highlight na ng araw mo ay ang panonood ng mga korean novela o mga telenovelang walang orihinalidad. sus. kung di ba naman mabobo nito. kaya pala ang dra-drama ng mga tao eh.

sana magkatrabaho nako! ayoko na "magbakasyon"!!!

ober da bakod...

ang dami kong na-accomplish yesterday. hehehe. naks. bumalik na kse ako sa dati kong gawi na magsulat every night ng TTD (things to do) para sa susunod na araw. hehehe. nagawa ko lahat ng house chores for the day (atsay mode nung umaga). tapos nung hapon nakapag-internet para maghanap ng bagong amo. at in between, nagkaroon pa ng bonding time kasama ang mga kamag-anak sa kabilang bakod. hehe. compound kse dito sa amin katulad ng karamihan sa mga Pilipino.

naalala ko nung maliit pa ako (i mean bata pa ako. maliit pa rin pala ako ngayon. hehe), lahat kaming magpipinsan dito nakatira sa lola ko. ang saya-saya. araw-araw may rambol. girls against boys. mas matanda vs mas bata. pamilya vs pamilya. hehehe. tapos lahat ng pwede laruin nalalaro namin. mula basketball, badminton, frisbee, takbuhan, taguan (tao at tsinelas), langit-lupa, tinda-tindahan, bahay-bahayan, at kung anu-ano pa. pero wala ka! bawal lumabas ng gate at bawal magpadumi. haha. kaya mo yun?

nakakamiss. tumatanda na talaga ako. buti na lang paminsan-minsan, pwede maging bata ulit. Ü

cutie lyell! buti pa sya may swimming pool. inggit ako!

si nanay habang nagtutupi ng mga sinampay...siya ang mommy ni mommy. hehe. tuwang-tuwa sa panonood sa mga apo.

hail hitler! nyek! este darna pala!

manu: ayoko magswimming!!! wuwuwu...

si manu kapag di umiiyak. tahimik ang batang ito. siguro deep thinker sya paglaki nya. hehe. o baka weirdo lang din katulad namin.

si charlie habang kumakain ng homemade mango crepes. blurry yan dahil ang bilis niyang sumubo. parang wala ng bukas...hehehe. batchoy boy!

Beast Wars! ang bago kong paboritong cartoons! hehehe. tama ba nmang bumalik sa pagkabata. Maximize!!!

at this moment...as in ngayon na

pag-isipan mo ito...

someone is thinking of you
someone cares about you
someone misses you
someone wants to hold your hand
someone wants you to be happy
someone wants to hug you
someone will do anything for you
someone needs to know your love is unconditional
someone wants to tell you how much they care
someone wants to stay up watching movies w/ you
someone wants to hold you in their arms
someone wants to see you
someone wants to be your lover
someone loves you for who you are
someone loves the way you make them feel
someone wants to be with you
someone wants you to know they are there for you
someone is glad that you're their friend
someone is wishing you would notice them
someone wants to get to know you better
someone loves you

ang saya naman! sana magpakilala na si someone! hahaha.

peklat

nagkaroon ako ng new learning nung isang araw. all because nadapa ako...sa walkathon.

napansin ko lang na habang tumatanda, kapag nasusugatan ka parang mas malalim. mas matagal bago gumaling. nagkakaroon pa ng peklat!

napaisip tuloy ako habang nagdri-drive pauwi. bakit nga ba kailangan pang magkapeklat kapag nagkasugat? anong purpose ni God para dun?

at dun ko rin naisip na yung peklat ay isang symbol. kasi diba kapag nagkapeklat, kumakapal yung balat dun sa area na dating may sugat? ibig sabihin, dahil sa sugat mas nagiging malakas ka. pero pwede rin na dahil kumapal na nga ang balat hindi na ganun ka sensitive yung part na yun.

naisip ko rin na nag-eexist yung peklat para iremind ka...dun sa pinagdaanan mong sakit at hirap. at para lagi mong tandaan yung mga lessons na natutunan mo dahil dun sa naranasan mo.

wala lang. sharing. hehehe.

Nadapa ka ngunit bumangon muli...

ang saya ng walkathon! panalo! sayang nga lang at di gaanong maraming pumunta at saka umulan pero astig pa rin. daming nangyari.

masaya ako at may mga narecruit ako na sumama. si con (shempre kapatid), ava, gee at brendy (na-nagdala ng mga kapatid at kakilala)! woohoo!

nakakahiya. halos di ako nagbantay sa booth namin. dami naman kseng volunteers at staff na nag-aasikaso. ok na rin kse at least nakapag walkathon ako.


ang daming 1sts na naman para sa akin...
  1. magwalkathon! naka-5km ako! pwede na for a first-timer. i've got scars to prove it! hehehe. *wink wink*
  2. magpabasa sa firetruck!
  3. magpabasa sa ulan! woohoo!
  4. nanood ng concert na nakaupo sa harap ng stage at may kakilala sa band (go Gep!)
  5. makasakay sa ambulansya! may libre pang magazine!
  6. magpakasaya sa memorial park
  7. magka-crush sa lead singer ng halos lahat ng banda na tumugtog
  8. makipag-usap sa kung sino-sinong tao para magpromote ng booth namin o para sagutin ang tanong nila kung bakit may bandage ako sa dalawang tuhod.
  9. lumamon ng donuts at uminom ng sandamukal na powerade, mineral water at softdrink ng hindi pumupunta ng banyo.

ala meteor garden na kuha. ang aga kse namin sinundo sila ava at gee sa G4 dahil baka hindi ko na sila masundo kapag maraming volunteer responsibilities. so pichur-pichur muna habang naghihintay sa official start nung event.

tingnan mo nga naman...kahit saan magpunta shopping ang inaatupag! sabi nga sa tagline ng heritage park...its not just a memorial park! hehehe.

syempre dapat magpicture bago magsimula ang race at baka hindi na makilala afterwards. sila dahil pagod sa paglalakad...ako dahil nagbabantay ng booth.

on your mark, get set, go!!!

mga participants sa walkathon...mga mababait na tumulong sa paglikom ng pera para makapagpatayo ng pampublikong paaralan sa Pilipinas. mabuhay kayo!

ang cute ng bata na nagpapaface-paint. pretty din yung artist. sabi ni con atenista daw yun at commercial mowdel. naks!

panalo! i made it! yeah! ~gee

yes! naka 2.5km na sila! woohoo! 5kms to go!

simula ng kalbaryo ko. hehehe. sila con, ava at gee naka-isang round na.

ang ganda ng sky! backview nila gee, ava, con

ang ganda ng sunset! si gee at ava habang hinihintay ang paglubog ng araw.

pichure-pichure ksama ng airplane. malapit na kasi ito sa NAIA. every 5 minutes ata may dumadaan na plane eh.

endorsers: gee...wilkins, martin sisters...powerade!

this is the spot where london bridge fell down. hahaha. kse naman nagbasaan pa eh. akalain mo, nagpabasa kami sa firetruck!!! coolness!

photo-finish!!! hehehe. si con, ava at gee naka-7.5km. ako, naka 5km lang kasi sa 2nd round lang nila ako nakasabay. nakakapagod pero ayos lang. exercise!

volunteer friends sa finish line! sila yung taga-sabit ng yarn na nagsasabi kung naka ilang kilometer ka na. kami ni con yung gumupit at nagbuhol sa yellow yarn! 7.5km ang natapos mo kapag nasabitan ka na nito.

sa loob ng ambulansya. ang galing! nakapasok na rin ako sa ambulansya! this is not your ordinary ambulansya na converted L300. eto ang the real thing! yung tipong truck! ang cool!

waah! ang sakit ng mga tuhod ko! san ka nakakita ng taong nadapa sa walkathon?! ang sakit talaga! may pasa pa ako. huhuhu. hindi na flawless ang legs ko!

my volunteer friends! nagbebenta sila ng hot loops donuts. ok na ok! libre na yung donuts nung gabi! ang sarap nung kinain ko. chocolate sa labas tapos peanut butter sa loob! hehehe. yummy!

BLOOMFIELDS...parang beatles! hehehe. complete with costume!

FIG NEWTON...mga atenista! kalahi!

DIZZY AFTERSHOCK...hindi sila talaga kumakanta pero galing nila mag-gitara at drums! astiggers! at ang galing nung lead guitarist! face contortionist siya! hehehe

POPE...kalbo yung lead singer! type! hehehe.

CUESHE...gusto ko yung msg ng isang kanta nila...about ulan at love. nakalimutan ko na exactly yung words pero maganda talaga. at gwapo na rin yung lead singer at yung kasama niya rin na kumakanta kasi ang ganda ng boses nila.

kodakan sa gitna ng concert! trendsetters kami! kung hindi kami umupo sa harap ng stage, hindi lalapit yung crowd! yeah! another achievement! woohoo!

ELEMENT #5...waah! gwapo ni chino!!! yung isang guy, may naaalala ako sa kanya. ang galing nila sa beat boxing!!! astig! gusto ko rin matuto! cool pa kasi nakasalubong ko sila...waah! dpat nagpakilala na ako eh. sayang ang opportunity.

AGAW AGIMAT...astig! may groupies sila! hehehe. at napansin ko lang, may trademark belts pala sila. ok din ang mga kanta kasi may moral naman.

GINILING FESTIVAL....may sense of humor at witty yung lead singer. plus pogi points dahil kaya niyang magsuot ng pink ng hindi nagmumukhang bading! winner! s-i-l-i-n-g g-i-l-i-n-g!!! sayang nga lang dahil sa sobrang "ingay" daw nila, hindi na tuloy tinapos ang concert. ok ang mga kanta nila. puro about love!!!

UP DHARMA DOWN...panalo ang boses nung babae. kala ko mellow lang siya kumanta pero astig pala. ang galing. bagong idol! move over kitchie! sila lang ata yung band sa buong concert na babae ang lead singer. girl power!

bilog ang buwan kagabi. wala lang.

Color Me...I'm Yours!

nagpunta ako nung Friday sa Shangri-La para sa aking seminar/workshop sa Color Me Mine. ang saya-saya! hindi lang kami tinuruan ng mga do's and don'ts of ceramic painting...gumawa rin kami ng works of art! mas masaya dahil libre ito! whopee! ang mahal kasi ng mga ceramic dun tapos may painting fee pa. pero sulit naman din kung magbabayad ka kasi sobrang friendly ng staff at ng may-ari (si Ms. Celia). ang cool pa nung mga ceramic things! tapos pwede ka rin matuto ng mosaic art at saka glass painting! sana makabalik pa ulit ako. sa future siguro, kapag may pera na ako.

after ng seminar ko, hinintay ko sina ate kams, bel at guiller. puntahan daw nila ako bago sila pumunta sa sunnies dinner out sa mega. ok na rin kahit ginabi ako ng uwi at nagutom. nakita ko naman ang mga sunnies...adnan, nick, kfc, ava at migs.

nakakatawa pala. sa mrt nung pauwi na ako...around 830pm, siksikan pa rin ang mga tao. yung kasabay ko na sumakay, couple. yung babae nakakapit sa kili-kili nung boypren niya. wahaha. weird!

found sa Color Me Mine (Shangri-La Branch). siguro totoo nga. ang ganda ng gawa ko eh! hehehe.

aww...nativity scene! gusto ko na tuloy mag-Christmas...

cup and saucer! ang cutie!

fishy fishy! ang galing ng pagkakakulay sa goldfish na ito...rainbow!!!

butterfly!

nice dinnerware! pero mukhang di ko ito ipapagamit kahit sa mga bisita.

ito ang itsura ng work space ko nung nag-ceramic painting ako. naubusan ako ng ceramic na kukulayan kaya dun na lang ako sa table cover nagdrawing. hehehe. napagalitan pa nga kami ni celia (owner) dahil mahal daw yung paint. oh well, wala ng magagawa. naipinta na.

my work of art! bibigay ko ito kay mommy. iba ang magiging kulay niya kapag na-bake at na-glaze na siya. mas brighter yung colors. parang glow-in-the-dark diba?

dianne with her masterpiece. new friend ko sya. ngayon lang kami nagmeet pero sobrang close na namin.

finished product ni donna...new friend, sister ni dianne

as expected, inagaw agad ni guiller ang camera para kunan ng litrato ang sarili. anong shot naman yan?

bilib din ako kay ate kams. sa lahat ng ginagawa binibigay niya ang full attention...tulad na lang sa pagkain! sweet porky, pwede akin na lang yung isang iced tea? nauuhaw na ako eh.

buti pa si bel, kahit nawalan na ng mobile phone, ganado pa rin sa pagkain. kung sino man ang makapulot sa cell ni bel...swerte mo! palit tayo ng phone! hehehe.