beach na naman?!
isang batok nga please?!
yung tipong nasa harap mo na ang sagot pero hindi mo pa rin makita...
na lahat ng tao alam pero ikaw hindi...
na tulad ng sinasabi ng nanay ko ... kung ahas lang yan, tinuklaw ka na...
dahil pinili mong maging bulag sa katotohanan?
masakit pala yun.
lalo na yung aminin mo sa sarili mong nagpakatanga ka...
syet!
please?!
pakibatukan nga ako. hindi ako magagalit. promise!
psst! oy! bawal yan!

ah ok...
matatagpuan ito sa may pool sa cervini. minsan di ko alam kung paano magre-react sa mga signs na nakikita ko kung saan-saan. kung matutuwa ba ako o maiinis kasi pinagmumukha nilang tanga ang mga tao.
in this case, natawa ako. gaano ba ka-intimate ang intimate na tinutukoy dito? may manual pa na nagcla-classify sa lahat ng acts na pwede at hindi pwede gawin? hahaha. eh pano kung walang ibang tao sa pool? hindi ba considered private na rin yun?
ang kakapal din naman ng mukha ng gagawa nito. eh 6 swimmers allowed na nga lang tapos io-OP nyo pa yung apat...unless nakikisama rin sila sa saya. hahaha!
onli in da pilipins nga naman!
pieces of advice
- You cannot please everybody and fulfill everybody's wishes.
- If it is a choice between financial stability or fulfillment of dreams, i'll go with the latter
- At the end of the day, you have to ask yourself 2 questions: (a) have I accomplished what I am supposed to accomplish today and (b) am I happy with what I do?
hay...thoughts to ponder! hopefully ma-enlighten na ako kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko.
bakit ba ganyan?
kahapon, tumawag yung officemate ko sa NGO kung saan ako nagtrabaho dati. akala ko babati lang siya ng "belated happy birthday". pero hindi! mga isang oras ata niyang ipinaliwanag ang dahilan sa kanyang belated greeting. nung araw na iyon pala, pinagreresign siya ng ex-boss ko. ayaw niya raw kasi sumunod sa utos. ang problema naman kasi sa opisina namin, hindi mo na alam kung sinong susundin sa dami ng mga nagfi-feeling na boss. marami pang nakikialam sa trabaho mo sa halip na magtuon ng pansin sa sariling trabaho. tapos, pati yung totoong boss pabago-bago ng isip! kung hindi ka ba naman maloka. tapos nagkwento pa siya ng kung anu-anong kababalaghan sa opisina namin. balita ko nga, marami na naman ang aalis. hay. hindi ko alam kung tatagal pa ang organisasyon na iyon. buti na lang nakaalis na ako habang maaga pa.
bakit ganun? lahat ng sumubok na baguhin ang sistema parang hindi nagtatagumpay...
nakakapagod. wala na bang pag-asa? ayoko sumuko...
joke time!!!
anong sinabi ng kaliwang kilay sa kanang kilay? ...ey, bro!
ano ang favorite exercise ng mga pusa? ...eh di puss-ups!
anong tawag sa suman na nilagay sa freezer? ...eh di snow-man!
hahaha. i'm sure di kayo natawa. hahaha. sorry na lang kayo. hehehe.
is this a test?
hindi ko alam kung talagang sinasadya o ganun lang talaga ang buhay.
hindi natuloy ang napag-usapang meeting. hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis o magiging relieved dahil ganun ang nangyari.
sa totoo lang, hindi ko alam kung anong ie-expect sa gagawin natin. kung may dapat bang i-expect. kung may dapat bang asahan. may maitutulong ba talaga ito? hindi ko alam kung bakit ako pumapayag na mangyari 'to.
closure?
peace of mind?
bakit ba kasi nagkaganito pa eh... bakit ba natin pinapahirapan ang mga sarili natin...
nakanino ba kasi ang sagot?
pwede bang pakopya na lang?
a day at the land of piƱa
tuloy ang journey. pagdating sa tagaytay, pumunta muna sa people's park in the sky. sayang. ang pangit na niya. napabayaan. natandaan ko pa, ang ganda-ganda nun dati. ayun. picture-picture. kumain kami ng ice cream. ang mahal. tig-25 pesos ang isa kahit anong klase. isipin mo, twin popsies for P25! lugi! lahat ata pinagkakitaan. yung parking P20. yung entrance fee P15 each. yung pagsakay sa jeep paakyat ng park P5 each! todo!
pagkatapos, pumunta kami ng calaruega. hindi na namin pinasok. unang-una, may bayad kasi. P25 ata ang isa. eh magpipicture-picture lang naman kami. pangalawa, gutom na kami. sabi kasi breakfast sa antonio eh mag-11am na di pa kami nakakarating sa antonio's. para kasing tour guide si daddy. gusto lahat iniikot muna tapos may talk pa siya. alam ko na kung kanino ako nagmana. hahaha.
pagdating sa antonio's di sigurado kung nagseserve din sila ng lunch. di pala na-check ni daddy. nagseserve naman sila pero yung cuisine kasi eh normal na kinakain nila tita sa states. gusto raw nila ng filipino dishes. hindi naman kami pwede mag Sonia's garden dahil may mga bata at vegetarian dun. kaya napunta kami sa josephine's na lagi naman naming kinakainan tuwing pumupunta ng tagaytay. ok sana ang view from the restaurant. kitang-kita ang taal lake at volcano. kaso foggy.
habang kumakain, sumakit ang tiyan ko. kahapon pa kasi ako di nakaka-jebs. walang tigil pa naman ang pagkain namin ni erina sa virgoni. delikado. dami ko pa namang nakain na bibingka at makapuno balls! si charlie nga naka dalawang balik na sa CR. nung malapit nako matapos, bumulong ako kay erina. sabi ko hindi ko na mapigil. kailangan na talagang pumunta sa banyo. natawa nga mommy ko. hindi raw maipinta ang mukha namin. si erina din kasi.
pagdating sa banyo, tawa kami ng tawa. meron kasi akong naririnig na umiiri. akala ko si erina. lakas ko pa naman tumawa. hahaha. may ibang tao pala. nagpaalam na si erina. mamaya na lang daw niya itutuloy ang kalagiman. at bago siya umalis, sabi niya hindi raw ma-flush yung toilet. natawa na naman ako.
palabas na rin ako. pero pagpindot ko, hindi nagflush! patay! eh since yung hawakan ay pwedeng i-rotate, common sa mga public toilets sa malls ngayon, ni-try ko galawin into different positions! ayaw pa rin. inisip ko baka dahil kakaflush lang nung katabi. kaya naghintay ako ng ilang minuto. wala pa rin! nagpanic nako at nagtext kay con. kailangan ko na ng back-up! naka-tatlong text na ako pero walang sister to the rescue. kinabahan na ako. naisip ko lalabas na lang ako. pero everytime na lalabas na ako, biglang may dadating! im trapped! bakit ba kasi ang mga babae, sama-sama kapag nagpupunta ng bathroom!?!
after 15 minutes sa cubicle. napansin kong tumahimik na. dali-dali akong lumabas. nakakainis. nailigpit na ang pagkain ko. hindi na rin ako makabalik sa table namin dahil nahihiya ako. hahaha. what an adventure!
pagkatapos nun, dumaan kami sa Gourmet's. dito kami bumibili ng napakasarap na roman garlic spread! the best! tsaka ok yung mga dressing nila pang-salad. dahil gutom pa ako, nag-order pa kami ng pagkain. ang saya! na-traffic nga lang kami pauwi. naku, dapat ata maghanda nako for next week dahil marami pang gustong puntahan si tita before sila bumalik sa states.
swimming adventures sa bulacan
nakakatawa. yung mga life guards kasi parang mas mauuna pang mamatay kesa dun sa sasagipin. ay lolo! baka ho atakihin kayo ng rayuma! hehehe. as expected, hindi nakaswimsuit ang mga tao. mahirap talaga baguhin ang kultura. nahiya tuloy ako magswimming. meron pa ngang nakapantalon magswimming. hahaha. ang init!
may batang biglang tumalon sa malalim. bilib din ako sa life guard. isipin mo, basta tumalon na lang sa pool para sagipin yung bata! japorms pa naman siya. hahaha. nakalong-sleeved shirt tapos jogging pants. tapos naka-shades at cap. hiniritan nga ng tito ko nung umahon siya. buti na lang daw di nabasa yung shades at cap. natawa na lang yung life guard.
ok na ok kasi may videoke machines every 3 cottages. eh yung nasa isa kubo ang lakas kumanta. hinahamon ata kami. kaya bumanat din kami ng pinsan ko. hehehe. ayaw namin magpatalbog. pinapatigil na kami ng mga kamag-anak namin. magtatawag na si tito rod ng mekaniko. sira daw ata yung machine! hahaha. kapal! in fairness, naka 100 ako sa aking rendition ng "wag na wag" ni kitchie! yes! first time kong maka-100!
underwater adventures while looking at the stars
nung umaga, nag-internet muna ako. nakachat ko si ate benette. nagsosorry kasi di raw siya makakapunta later. hmm, later? anong meron?
nagkita kme ni ate kams sa OAA ng 4pm. dapat kasi mag-girl bonding kme...swimming tapos tambay lng kung saan para mag girl talk. eh 5pm pa ang labas niya so tambay-tambay muna kami dun. while shifting through the old newspapers, may nakita akong print-out...happy birthday...di ko na binuklat. naisip ko mga patapon na yun. so kebs lang. pagpatak ng alas-singko, go na ang mga lola! hehehe. excited! si ate kams nga, nakaswimsuit na under her work clothes!
habang naglalakad kme papuntang cervini, tumawag si kalil at bumabati gamit ang phone ni mark santos (hello mark! hindi ata kita kilala pero salamat!). namention niyang kasama niya sa GR (Gabay Ricci) sila Adnan and Rollz. now i smell something fishy! pero shempz, di dapat pahalata. hahaha.
pagdating sa cervini, diretso CR na agad para magpalit at lusong agad sa pool! maya-maya dumating na sila adnan, chi, rollz at guiller. may dalang cake! yehey! tapos nagswimming din sila except si chi na walang dalang swimsuit. ang saya! after sometime, dumating din si mike pogi. akalain mo?! ang mga new friends kong si chi at mike, pumunta?! kapag sinuswerte ka nga naman.
tinanong ko si ate kams kung nasaan si ava. sabi niya assuming daw ako. eh siyempre, adopted little sister ko yun. pwede ba naman mawala. wala rin si kuya mackie at miggy bear. ano ba yun?
tinanong ko sa magic blue ball ni ate jolly (tama ba spelling), na dala ni ate kams, kung pagagalitan daw ba ako mamyang pag-uwi ko. two times sinabi ng magic ball...POSITIVELY!!! tama ba naman yun?
after 2-3 hours of swimming, napagod din kami at napagpasyahan na umahon na. gutom na rin kasi ang mga tao. medyo kinabahan ako. P200 lang kasi ang laman ng wallet ko. mukhang magpapakain ako. hindi pa naman tinatanggap sa lahat ng ATM ang card kong bulok. pano ba 'to?
buti na lang, may handa pala sila for me. as mentioned, may cake care of chi and guiller. si adnan, may dalang loaf of bread. si mike, may chips at soda. hahaha. astig ang lim coleman! hahaha. may magic ice na nagiging tubig! hahaha. still no sign of kuya mackie and ava. si miggy bear daw hindi makakapunta. sad. :(
gutom na kaming lahat kaya inupakan na ang chips na dala ni mike habang nagpipicture-taking. ubos lahat ng chips except for ri-chee na walang gustong pumansin. hahaha. apparently, ang main dish ay dala nila kuya mackie. nanggaling pa pala sila ni ava sa bahay niya para lutuin yun. kahit late, ok lang. masarap ang gawa nila! busog na busog ang lahat! dumaan din pala si mark ayaay at binigay na lang namin ang natirang cake para mabawasan ang excess baggage.
nagligpit at nagtungo kami sa bel field para mag stargazing. ayos! complete with banig! kaso wala mashadong stars. half moon kasi. puro clouds yung sky. pero ok na rin just the same. sayang, hindi na nakasama si rollz kasi may pupuntahan pa siyang despedida.
sabi ni ava, may ibibigay pa raw siya sa akin. na-excite naman ako. naglabas siya ng wine tapos may kasamang letter. awww... touched naman ako.
may dala pa siyang isang bote para paghatian ng mga tao. at hindi rin niya nakalimutan magdala ng corkscrew! hahaha. girl scout! medyo natagalan nga lang kami buksan yung bote. nasira kasi yung cork. buti na lang expert si ate kams! hehehe. si mike naadik sa scent nung wine. ayun, tagay-tagay ng konti. di kasi dapat malaman ng mga guards at baka paalisin kami. hahaha. kwentuhan, asaran at kung anu-ano pa.
around 1030pm, kailangan na umuwi ni chi. kawawa naman kasi si manong driver. tsaka may pasok din yung ibang peeps kinabukasan kaya gumayak na rin mga tao para umuwi. sila ava at adnan sumabay kay chi. si mike may dalang car. si ate kams, kuya mackie at guiller sumabay sa akin. binigay ni kuya mackie yung gift nya sa akin sa car. hindi ko alam ang itatawag dun eh. sabi ni ava, scrapbook na lang daw. so yun. scrap book. hahaha. kaya pala sila na-late dahil nagpatulong pa siya kay ava kung anong ibibigay sa akin.
ang saya-saya! next year sana ulit! di bale, ako nman ang manlilibre. hahaha.
salamat nga pala sa mga bumati, dahil hindi ko kayo mapapasalamatan isa-isa (dahil hindi tayo nagkikita o dahil kuripot lang ako magtext) dito ko na lang kayo pasasalamatan...
mga bumati sa text: ate dottie, julienne, brendy, ate phoebs, quilin, GB, lee-jay, rache, elmer, adnan, sally, joyce c., kuya oj, andrea, tin siazon, roi, genpot, rollz, charlton, chi, angela h., kitin, pitt, avadoods, may, miggy bear, sue, cathy bg, kuku, kuya tenor, mike, val rt, arkin, erina, ic, pael, ate carina, salamat family, lala, kuya mackie, ate malou, tita mercy, cheka, jay-r, ryan.
mga bumati sa friendster: josette, arlene, bonnie, tricia b., lee-jay, anabee, myra n.
mga bumati sa YM: acky, genpot, avadoods, miggy bear, jannin, ate benette, cis, roy m., kuya mikki, bel p.
mga bumati sa blog: val rt, ria, avadoods, andrea, kalil, rollz, paul m.
mga bumati sa email: galei, vanessa, cars v., ariane, sassy girls, ava d.
mga tumawag: kalil, bella, juli, pj v., paul m., dad
nagbigay ng letter: kat, avadoods
nagpadala ng ecard: andrea
nagsulat sa bday thingie: jay-r, kalil, james, rollz, tim, tish, adnan, chi, chris b., elmer, omar, mutya, marc, gema, kuya mackie, niko, ate kams, avadoods, mike pogi, ryan?, guiller whale, ate mel, rache
mga bumati ng personal: erina, charlie, con, tin, kat, mommy, OAA peeps (hahaha), veron at kung sino-sino pang relatives. napapagod na ako eh.
trivia! si avadoodski ang pinakamaraming beses na bumati sa akin sa araw na ito at iba-ibang channels! hahaha. teka, san na yung billboard ko? hehehe.
kahit napagalitan ako after at hindi na ako pwedeng gumamit ng car, astig pa rin ang birthday ko!
















































