love is sweeter the second time around
Akalain mo, medyo late na ako nakaalis ng bahay kaya kinakabahan ako. Baka kasi mahaba ang pila sa shuttle. Pagdating ko dun, may dalawang pila na. oh no! late na naman ako nito. Pero biglang may dumating na dalawang fx. Akalain mo, nakasakay ako agad! Medyo masikip nga lang dahil ang taba ng katabi ko. Pero ayos lang. at least nakasakay ako agad. Yun naman ang importante eh.
Nagsimula ng magbayad ang mga tao. Dahil nakaupo ako sa bandang gitna, malamang ako ang mag-aabot sa driver. Nagulat na lang ako nung tinawag ko yung driver para iabot ang bayad. Oh my goodness! ....so its you….i’ve been waiting for so long…. Tama ba namang kumanta pa. hehe. It’s manong Mr Clean!!! Grabe. Life is full of surprises. To think na medyo naiinis ako dahil malalate ako. Eto biglang gumanda ang araw ko. God is good talaga!
Kaya pala familiar ang driving maneuvers nya. Hay. Ang ingat-ingat sa mga lubak. Tapos ang linis-linis, syempre tiningnan ko ulit yung mga kuko. At take note, nakita ko na rin ang mukha nya sa wakas! Ang pogeeeeee! Hehehe. Grabe na talaga ito. Hindi kinaya ng powers ko. Talagang napangiti ako. Yung lagpas tenga ha. Tapos the whole time tumitingin lang ako sa rearview mirror. Ang ganda ng mga mata nya. Para akong natutunaw na ice cream.
Isa lang ang masasabi ko sayo manong…pwede ka bang mahalin?
ayoko na maligo! ayoko na matulog!
dahil darating na si kaye, naghuling hirit si mike na movie with MGC (kahit hindi kumpleto). nanood kami nila ava ng Dark Water. gravy. di ko akalain na matatakot ako. haha. etong dalawa, akala ko naman hindi affected. pero bandang huli, napapatago na rin sila. hehe. wala pa naman akong dalang jacket. buti pinahiram ako ni mike kahit see-through yung jacket nya so wala ring silbi. nakikita ko rin ang kalagiman. haha. nakakahiya. ako lang ata ang tumitili sa sinehan. hahaha. buti na lang hindi ko naman kilala ang mga tao.
pero kaya naging creepy yung movie para sa akin, kse may ganung spot din sa kisame ng kwarto namin. actually halos lahat ng kwarto dito sa bahay may ganun. hahaha. tapos may bath tub din kami. buti na lang walang glass encasing kung hindi, hindi na talaga ako maliligo. hehehe.
----------
may nadiscover ako na cool website ng dark water! http://darkwater.movies.go.com/experience.html pwede ka pumunta sa apartment nila at mag-explore. hehe.
salamat sa weekdays with Mike and MGC. hehe. isa sa mga memorable experiences ko yung bonding natin. hehe. maligayang pagbabalik kaye! miss na miss ka na ni mike! haha. binantayan namin siya habang wala ka. hehe. buti naman hindi na namin siya pasanin. hehe. joke lang mike! :p
subtext
you know how in these times there are a lot of modes of communication but still we cannot get our messages across? plus it is in our culture not to be straightforward since we are afraid that we might hurt people or they might misinterpret what we say.
super nakakatawa at nakakaiyak at the same time. feeling ko sobra akong nakarelate. alam mo yung may gusto kang sabihin pero hindi mo masabi? tapos dadaanin mo sa forwarded email or text. akala mo lumilinaw ang mga bagay pero lalong lumalabo kasi hindi maintindihan tuloy ng kinakausap mo kung basta ka lang nagpapadala o may gusto pala siyang iparating sa'yo pero hindi masabi ng diretso.
tapos kung paano nagkakaroon ng "feelings" or "intonation" yung mga messages dahil lang sa itsura nito kung naka-ALL CAPS or lower case letters. kung may Ü sa dulo ibig sabihin pabiro lang o hindi siya galit kahit parang galit yung message. yung mag-aaway kayo dahil hindi nagtetext o dahil sobra-sobra ang text. o dahil matagal na time ang lumipas bago ka nagreply o nakatanggap ng message.
yung unang kwento about sa couple na nag-aaway dahil sa text habang nagdidinner. yung babae kasi pinapansin lahat. yung pagka-all caps, yung walang smiley tapos yung pag-aaksaya ng text. ang palusot ng lalaki, wala raw lower case yung phone nya at walang Ü. sabi ng babae pwede naman gumamit ng colon at parenthesis or colon, hyphen at parenthesis kung gustong may ilong. ang kulit! tapos tungkol naman sa pag-aaksaya ng text, ayaw daw ba niya yun na lagi siyang iniisip etc. haha. so familiar. gravy!
yung second, about 2 taong nagfifish. kung may gusto ba sila sa isa't-isa. haha. sobrang nakakatawa. nangyari kasi ito before sila matulog. tapos ang cocorny nung text at nakakatawa yung mga character. yung tipong sabi ng girl... "toot toot ka na!" tapos yung guy naman magrereply lang sa text message nagsuot pa talaga ng necktie at nagpabango. hehe. tapos yung guy reklamo ng reklamo bakit daw si girl pumapayag makipagdate sa ibang tao pero kapag yung guy nagyaya ayaw niya. tapos nagreply yung girl "wala ka kasing pera!" hahaha. hindi mo alam kung seryoso ba siya or nagpapatawa lang eh. i guess masakit para sa guy yun pero parang pa-cute lang naman na sinabi nung girl. sa dulo nung tinanong nung girl kung may nagmamahal sa kanya, magrereply na yung guy ng "ako" pero biglang naubusan siya ng credits! hahaha. classic!
yung huling kwento naman about sa old couple. old na talaga sila. tipong lolo at lola. tapos yung lalaki laging kumakanta ng "saaad movieeesss, always makes me cryyyyy...." asar na asar yung babae kasi sa 40 years na mag-asawa sila yun lang ang laging kinakanta nung lalaki.nung isang gabi, habang nag-aayos yung babae ng mga nakakalat na plaka at tinatabi sa baul, nakita nya yung lumang leather jacket nung lalaki. tapos inamoy-amoy at niyakap. after sometime nakita nya may sulat na laman. tapos yung message para sa "para sa babaeng aking minahal ngayon". lumalabas sa sulat na yung minahal na babae nung lalaki hindi nya daw na-meet sa altar. syempre nasaktan yung babae. kasi kakacelebrate lang nila ng 40th anniversary nila the day before. natulog siya ng galit.
pagpasok ng lalaki sa kwarto, nakita nya na nakakalat yung jacket so pinulot nya at nalaglag yung sulat. may kadugtong pa pala! kinuha nya dun sa bedside drawer. tapos binasa nya ng malakas. tapos buong 40 years ng marriage nila hindi pala nya sinasabi sa babae yung salitang "mahal kita". tapos kaya pala niya kinakanta yung "saaad movieeesss, always makes me cryyyyy...." kasi yung una nilang pinanood nung babae na pelikula naiyak siya. kaya lagi nyang natatandaan. tapos yun, sinabi nya sa sulat na narealize nya hindi lang pala yung babaeng pinakasalan nya sa altar yung mahal nya at minamahal nya ngayon. kundi yung kasama nya ngayon kasi nagsama sila sa hirap at problema at natiis siya nito in spite of marami nilang pinagdaanan. tapos sa dulo sinulat nya "mahal kita"
tapos after nya basahin sabi nya, "buti na lang hindi ko binigay ito kahapon! ang baduy-baduy! buti na lang nakabili ako ng cake!" sabay tapon sa basurahan nung pagkahaba-habang sulat. tapos natulog siya. pero bago siya natulog, hinalikan nya ng maraming beses yung babae. all that time, nakikinig pala yung babae. tapos hinintay nya makatulog yung lalaki. tapos pinulot nya yung sulat tapos kumanta rin siya ng "saaad movieeesss, always makes me cryyyyy...."
ang tragic. waaah! kakaiyak! naisip ko mas hirap pala tayo ngayon sabihin kung ano ba talaga yung nasa loob natin kaysa yung mga tao nung unang panahon. bakit kailangan magresort pa sa kung ano-ano e pwede mo naman sabihin ng diretso?
---------
sana mapanood ito ng lahat ng kakilala ko. ang cool kasi sobra. ang galing pa ng actors. by watching a play you are supporting KOINE's Theater Foundation.
For more information and for a schedule of plays....
KOINE One Act Plays
Call: 410-4485
Visit: 2/F Forab Bldg., 21 Kamuning Road (near Red Ribbon sa intersection ng Kamuning and Edsa)
only Php150 per ticket for 2 plays
many happy returns
hehe. sana wag ka na tumangkad. sa akin mo na lang ibigay ang itatangkad mo. wehehe.
esep esep
i don't know why i'm in this thinking mode again. maybe it's because of the rainy season. i really don't know.
am i where i want to be?
what am i doing with my life?
it this really how i envisioned it to be?
where is this all leading to?
what happens next?
question, questions!
lately i have been having doubts. it's not that i'm unhappy with my life. but i really have weird things going on. for starters, i'm starting to dread practices for choir which is unusual since i really love singing for church. i'm re-thinking my career plans since i feel i'm not too productive in my current work. i mean i'm happy doing marketing stuff but i find myself spacing out and thinking of my volunteer projects more often than my work. maybe i just have to have time for myself to sort things out. most of the time i am overwhelmed with my schedule. pati ba naman time for self ise-sched ko pa?!hay. i am so confused.
hay... this is unhealthy. hindi ako tataba sa ginagawa kong ito.
Princesses of Jaipur
since the restaurant turned into a bar/disco or watchamacallit by 12 midnight, we decided to stay instead of going to Embassy as planned. hehe. cheapskates! we saved Php300 each since we were not charged entrance fees because we ate dinner there.
we danced 'til our feet hurt, our eyes sore from the smoke, and after we've had enough of guys trying to dance with us or literally butt there way into our tight group. overall, the experience was great but we resolved to do this only once every five years since it is so expensive and second-hand smoke is really not good for our bodies.
-----------
does anybody know an effective way to get rid of the icky smell on your hair after being exposed and enclosed in smoke-filled place? my hair reeked even after 5 washings.
piso na nga lang eh
lalaki: ma, magkano ho ba papuntang sandigan?
driver: 17 pesos!
lalaki: 17?! aba, eh 16 lang sinisingil sa amin ah?
babae: manong, araw-araw kaming bumibiyahe, 16 lang ang singil bakit sa inyo 17?
driver: (pasigaw na galit) 17 ho talaga. kung gusto nyo bumaba na lang kayo. itanong nyo sa ibang driver.
lalaki: (pasigaw din na mas galit) pambihira! grabe naman. tsk tsk...
babae: (kausap ang ibang pasahero) bakit ganun? eh araw-araw nga kami sumasakay...
hay...
kung tutuusin piso lang yun pero napakalaking bagay na. iba na talaga ang panahon ngayon. tsk tsk. hindi ko malaman kung sino ang kakampihan. hindi ko naman alam kung magkano talaga ang singil hanggang sandigan. hindi mo naman masisisi ang driver kasi mahal na talaga ang gasolina. tapos hindi mo rin masisi yung pasahero dahil hindi naman nagtataas ang pasahod. gravy.
freaky friday
first, early dismissal from work! courtesy of our GM in HK. haha. and i didnt even know because they forgot to send me the memo! gravy. we were allowed to leave by 3pm. so that was why i was the only one not fooling around. anyway, i had a lot of catching up to do since i was trying to make a new system that would help me do my work more efficiently plus my scheduled appointments were not due til 6pm, so i stayed up to 5pm.
tin wanted to bring the car to greenbelt since she had a lot of stuff to drop off at her office. i was planning to maximize the parking fee at LKG but since she offered to pay for the parking, i agreed. boy, was she not kidding. i carried the laptop while she carried 3 heavy folders. good thing i parked near the elevators.
while driving to greenbelt, i texted my other friends who were going to the booksigning, since i was bringing the book they wanted to have signed. we were supposed to meet around 6 but since the booksigning and talk will start at 8, they decided it was too early. i then texted this other friend who i was planning to watch a movie with. he was still waiting for someone so he would also be late.
what to do? what to do?
i remembered my mom asking me to buy her a cook book and some pens for charlie. i had to squeeze my way into a SEA of people going to glorietta. that is right! it was not a stream but a sea of people! maybe because it was sale season add to that payday weekend thing. anyway, after elbowing my way through the crowd i was able to buy the pen but not the book.
checked my phone. no new messages. alright. i will just stay at powerbooks and read. new must read: Fabulous Girl's Guide to Proper Decorum.
tok tok tok! (that's the sound of my message alert) yipee! a message! uh, more bad news. kat doesn't have to stay til 10 since her thing got cancelled. bummer. she needs to be picked up by 9pm. now i can't even watch a movie because we'd have to leave by 830pm! talk about my string of bad luck. oh well.
at least i had dinner with my friend instead. and eventually met up with girlfriends to say hi and see how the booksigning thing has been doing (we'll be seeing each other today so no need to feel so bad about not spending not enough time with them).
----------
btw, i saw really cute cardigans and jackets at landmark. too bad i wasn't on shopping mode since deadline of payment for my pension plan is drawing nearer. plus i haven't paid for my phone bill yet.
MGC
nung thursday kasi nagdinner sa Teriyaki Boy ang mga regular MGC members (except for sally kse di siya pwede) kasama si rollz, francis (galing pang cubao!), nick at lou. request kasi ni rollz na magdinner naman sana ang mga gabay makati peeps. kaya ayun.
maaga umalis si francis. may date ata. hehehe. sumunod si rollz na may pasok pa ng 9pm at si nick na mag-oovertime pa. kaya natira lahat ng girls at si mike. gravy, kailangan pang magdrama para lang pagbigyan kami sa aming request na ihatid kaming lahat. hehe.
roadtrip it is! umabot kami ng susana heights! as usual, sumakit na naman ang tiyan namin sa kakatawa sa mga sablay hirit ni mike. panalo!
sa susana heights exit...
toll gate person: san po kayo galing?
mike: ah, makati!
girls: (pause) wahaha!
-----------
so bakit nga ba nabuo ang club na ito? wala lang. para mauto si mike. hehe. joke. peace tayo! actually medyo sad kami dahil malapit na siyang kunin ulit ni kaye. aww...hehe. pero mas happy kami dahil magsasama na sila at last! hehe. wag mo na ikaila mike! baduy ka eh.
anong meron sa ulan?
hindi naman ako napagalitan sa trabaho. hindi rin naman kami nag-away ng nanay ko. wala naman akong nakaaway na kaibigan. at lalong wala akong kakilalang namatay o nagkasakit.
basta kakaiba. kahit anong pilit kong aliwin ang sarili ko sa pagwiwindow-shopping (dumadaan kasi ako sa apat na mall bago makarating ng MRT station) o sa panunuod ng mga tao, ganun pa rin eh. mabigat.
ayokong maramdaman ulit iyon.
froggy frog frog
ako si malakas
Strength represents patience and compassion. Getting angry is easy when events turn sour, but dealing calmly with frustration takes great strength. So does accepting others and forgiving mistakes. We need strength to mold situations softly. The Chariot controls through mastery and authority. Card 8 is more subtle, even loving. Notice how the lion (itself a symbol of strength) is being guided and tamed by the woman's gentle hands. For a full description of your card and other goodies, please visit LearnTarot.com |
What tarot card are you? Enter your birthdate. |
----------
from guiller
wishful thinking...my perfect man

ang galing ng Discovery! naka-device sila ng way para makita mo ang perfect man mo...kahit sa panaginip hindi magkakatotoo. hehe. ang sabi sa perfect man ko...
skirting the issue
officemate1: uy, ang ganda natin ngayon ah?!
officemate2: ang gurlaloo mo naman!
officemate3: bakit ka nakaskirt? anong occasion?
officemate4: siguro may date ka ngayon? every wednesday ba may date ka?
it's not that i don't like hearing people comment on what i wear. at least i know they are looking and they notice me. haha. and that i can assure myself that i am not a wallflower. but the thing is, what is the big deal about wearing skirts? hello?!
anyway, for the benefit of those who have asked, and those that will ask me when they bump into me in makati...here are the top 3 reasons why i like wearing skirts...
- i am a girl. i am entitled to wear what i want!
- wearing a skirt makes me feel sexy and seductive. haha! so sue me!
- it recharges my diosa powers!
to illustrate my point: (this will explain why i make it a point to wear a skirt on Wednesdays) take into consideration the work week. we usually wear our best office attire/power outfit on Mondays since it is the start of the week and we are full of energy. but come Wednesday, you are already drained because it is the middle of the week and you still have 2 days to go before you temporarily have amnesia and spend the weekend off doing some crazy stunt. what do you do? you need a quick fix to boost your energy and get you through the remaining work days. wear a skirt! hehe.
walang pakialaman! Ü
destination: 168/Tutuban

shop shop shop
maaga akong nagising. nasa kalagitnaan na ako ng paliligo ng biglang mawalan ng tubig. gravy. puro sabon pa naman ako. naisip ko sandali lang ito. malamang naglalaba kaya hindi makaakyat ang tubig sa 2nd floor. pero after 10 minutes, wala pa rin. so naisipan kong sumigaw para humingi ng saklolo.
Tubbbbiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiggggggg!!!!!!!!!! pakibukas ang motoooooorrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!!!
kaso wala talagang tubig. kaya naghintay pa ako ng 10 minutes. pinagtiyagaan ko ang paisa-isang patak na lumalabas sa shower at gripo. ina-alternate ko kasi eh. baka hindi ko pa na-exhaust lahat ng alternatives. ayun. after 5 more minutes, nagkaron na rin ng lunas. hahaha.
naisip ko tuloy...ang swerte ko talaga! minsan ko lang nararanasan ang ganito. pano kaya ang mga tao sa squatters? o yung mga nakatira sa kariton? hindi ko maimagine na hindi maligo everyday. parang kasalanan yun eh.
pagkatapos maligo, dali-dali na akong nagbihis at nag-ayos ng mga dadalhin sa aming expedition. haha. expedition kasi maraming obstacles. naisip ko dapat naka-body bag so naghanap ako. tapos dapat ang pera barya. kaso wala akong barya eh. bahala na. dapat may payong o hat. ngayon ko lang ulit naisuot ang aking fisherman's hat. hehe. to keep my hair in place. haha. ayoko kasi mausukan. good hair day pa naman ako. tapos dapat comfortable ang damit at ang sapatos. nagtsinelas na lang ako. although na-warn na ako na malamang matapak-tapakan ang aking pretty little toes. bahala na. kakayanin ko ang lahat para lang makapagshopping. hehe.
from bahay, sumakay ako ng jeep papuntang morayta. pagbaba, sumakay ulit ako ng jeep papunta namang divisoria at tutuban. grabe! ang init. first time ko rin pumunta na magcocommute ng mag-isa. tinanong ko yung katabi kong ale kung dadaan ng 168 yung jeep. di nya raw alam. nahiya naman akong tanungin yung mama sa kabilang side ko. mapaghahalatang hindi ako madalas pumupunta dun.
ang traffic. sumasakit na ang tiyan ko. expected reaction tuwing nasa unfamiliar place ako at wala akong kasama at inaatake ako ng claustrophobia or whatever you call it. huhu. naisip kong maglakad, pero di ko naman alam kung san ako dapat patungo. huhuhu. naghintay na lang ako at nagconcentrate sa pag-iisip. makakarating ako ng tutuban... makakarating ako ng tutuban... makakarating ako ng tutuban...
biglang nagvibrate ang phone ko. nahkoh! di ko pwedeng ilabas at tingnan. nakakatakot. baka manakaw phone ko. wala pa namang isang buwan ito at ni hindi ko pa nababayaran. huhu. buti na lang maluwag ang bag ko at natingnan ko pa rin. si val, tinatanong kung nasaan na ako dahil nakaalis na sila ni brendy sa bahay nya at papunta na sila ng divisoria. after ilang text messages, calm na ulit ako. nawala na ang kakaibang feeling.
biglang huminto ang jeep sa petron. akala ko magpapagasolina lang pero nagbabaan ang mga tao. hindi ko makita ang familiar facade ng tutuban center. nasan na ba ako? tinanong ko si manong driver kung nasan na kami, kung nasaan ang tutuban. tinuro nya ang building sa tapat. lalakarin mo na lang miss! sa wakas! andito na ako!
nagtext ako kila brendy, malapit na raw sila. kaya naglibot-libot muna ako. buti na lang nakarating na ako dito dati. maya-maya, tumatawag na sila val at dadaanan daw nila ako. hintayin ko na lang sila sa harap.
tapos nagstart na ang adventure. pumunta muna kami sa 168. grabe. hindi ako makapili. ang dami ko kseng gustong bilhin kaso feeling ko kapag bumili ako agad, makakahanap ako ng mas maganda tapos magsisisi ako na hindi ako naging patient at naghintay at nagtingin muna. haha. siguro naisip ni val na boring kami kasama magshop. haha. puro tingin lang muna tapos parang walang balak bumili.
naubos ko ang 1k na dala ko. nakabili ako ng shoes, cutie underwear, 3 blouses, and a pair of pants! sulit compared kung namili ako sa greenhills o sa mall. hehe. excited na akong bumalik ulit! at excited na rin akong pumasok sa office.
----------
sayang hindi ka nakasama May! i'm sure marami kang mapapamili at magugustuhan. tayo pa naman, kuripot! hehehe. next time! balak kong bumalik!
and we lived happily ever after

The Brothers Grimm
nung thursday nanood kami ni mike at chi (disbanded na ba ang MGC?) ng The Brothers Grimm. ang ganda ng movie. although may mga parts na hindi ko nagustuhan kasi halata ang special effects. particular pa naman ako sa ganun. pero masaya pa rin ako dahil nabalikan ang mga fairy tales nung aking childhood. at pang tanggal sa stress after a day of work. yun nga lang, late tuloy ako ng pagpasok kinabukasan.
----------
ang pamatay na question sa gitna ng movie...
mike: crush mo ba si matt damon? i mean nagwa-gwapuhan ka ba sa kanya?
me: (isip konti) hindi. mas type ko yung kapatid nya sa movie na ito...
tama ba naman yun? kaye...si mike mukhang may tendencies....
busy bee...buzz only if important!!!
ANG BABOY KO NA! isang linggong pagpapataba ito. hahaha.
paano ba naman, buong week may event ang kabilang division...meaning maraming free food! mapa-lunch o merienda! tapos nag-attend ako ng meeting nung wednesday. ang daming Starbucks pastries! sa katakawan ko, hindi tuloy ako makaalis agad ng office dahil sobrang sakit ng tiyan ko. it must be the brownies...super chocolatey eh! nung thursday, ako naman ang nagpa-cater. overestimating! ang dami naming sobra. napagalitan tuloy kami.
narealize ko...mahirap pala mag-enjoy sa pagkain kung alam mong "last" meal mo na yun. kahit gaano kasarap pa man yung food, mawawalan ka talaga ng gana kapag alam mong may "taning" na ang buhay mo. pano pa kaya yung mga na death sentence? gravy!
pagpapakababoy
happy monthsary!

ang ganda ng workstation ko noh? ang kalat-kalat na compared sa dati...
wala na akong mapagdikitan ng post-its. punung-puno na ang station ko. ang dami na ring nakadikit sa desk. pati sa pedestal meron. kulang nalang maki-over-da-bakod ako. wehehe. as if may papayag. gumawa na nga ako ng makeshift sabitan ng pending notes. it is made up of a used up ballpen, some scotch tape to hold it in place, rubber band and paper clip. solb!
if you will notice, may tao na bumubulong sa foreground...yun si pam, ang aming product manager.
nahkoh, di tayo makakatakas sa panlilibre. hindi ko pa man din nakukuha ang atm card ko. ang layo naman kse ng amorsolo. hindi ko pa naman alam kung san yun. anyone? hatid nyo ako. hehe.
manong mr clean! pwede ka bang mahalin?
pagpasok ko pa lang, naamoy ko na ang amoy ng fresh! fresh meaning bagong ligo. medyo amoy sabon pa! tapos narinig ko yung boses nya. ang gwapo-gwapo. pwedeng mag-DJ! habang nagdri-drive, inobserbahan ko kung paano siya magmaneho. gentleman! tapos nag-inspection ako ng mga daliri habang nag-aabot siya ng pamasahe. ang linis ng mga kuko! tapos napatingin na rin ako sa sapatos nya, nike! sossy!
sinubukan kong silipin ang mukha niya sa rearview mirror pero hindi ko kaya. masyado akong maliit. pero nakita ko ang kilay at mata niya. kaakit-akit!
pumasok ako ng maaga kanina. hoping na dun ulit ako makasakay. asa pa ako. hehe. malabo na ulit kaming magkita. pero at least, maaga nako pumapasok. Ü
----------
sabi ng officemates ko, desperado na raw ako. haha. hindi naman eh. astig lang na may driver pa lang parang hindi driver. hehe.
dugyot
cheers!
we are family!
tingnan nyo na lang ang pictures. hehe. ang saya-saya talaga. sayang nga lang naubusan agad ng battery ang camera ko kaya hindi na nakuhanan ng pictures ang late comers pati ang adventure namin sa coco exhibit at sa glico's.
well, may next time pa naman.
new phone!

my trusty 6210 and my new 6170
kakakuha ko lang ng bago kong phone last friday. yipee! pero hindi ako ganun ka excited. weird. siguro dahil hindi ko priority yun. parang its about time na nagpalit ako ng phone dahil medyo napapadalas na ang pagdidisappearing act ng screen ko at pag-hang ng phone ko.
hindi high tech ang binili kong phone. pwede na. hindi ko naman kse magagamit lahat ng features kung high tech. kaso ang kinaiinis ko lang, wala masyadong memory. di katulad ng luma kong phone. hay. at least may camera, video recorder at voice recorder. ang cool na feature para sa akin ay ang message counter. hehe. ang corny ko talaga. well, for mga chipipay tulad ko, at least sure ako hindi ako lalagpas sa limit ng plan ko. wehehe.
----------
anyway, i have a new number. msg nyo na lang ako para ibigay ko sa inyo. (YM ko is clebibadoobi)
success!
lapit na ulit ng next event ko...sana success din!

I am Strength


















