bakit ganun? may mga tao talaga na kahit anong gawin mo, hindi mo kayang tanggapin. kahit anong pilit mong sabihin at itatak sa utak mo na nagbago na sila, na nagkamali ka ng husga, bumabalik at bumabalik ka pa rin sa lumang pagkakakilala mo sa kanila? naiisip ko tuloy na totoo yung kasabihang "first impressions last".
may isa akong kakilala. hindi ko masabing kaibigan ko na talaga siya kasi hindi pa malalim ang pagkakakilala ko sa kanya. at hindi pa ako handang magtaya para sa kanya. may pagka-weird. outrageously weird sa unang tingin. super makulit. mahirit. nangunguna sa balita. may pagka-over helpful. sumusulpot na lang kung saan-saan. masayahin.
ok naman ang description diba? pero ewan ko ba. may something weird talaga. nung isang linggo ko pa ni-resolve na magbago ng trato sa kanya. part ng aking "changing into a new leaf" mode. naisip ko kasi baka wala lang nagbibigay ng chance sa kanya. baka lagi na lang napapangunahan ng "first impression". (may pagka-redundant ata ang sinabi ko...) naging ok naman ang experience. hindi naman pala siya ganun ka-weird. medyo lang. hehe. pero lahat naman ng tao weird diba? ano ba ang normal?
pero bakit ganun. nung isang araw. nakasama ko siya. hindi ko mapigilan na bumalik sa dati. parang yung progress nung nakaraang linggo, nawala. sobrang nagui-guilty ako. feeling ko hindi ko ginawa yung tama. pero naiinis din ako kasi hindi siya kasing sensitive ng ibang tao in general. hay.
ang bad ko. napansin ko pa madali na rin uminit ang ulo ko ngayon. i am not as patient with people as before. ipokrita! gusto ko maganda ang trato sa akin ng mga tao pero ako hindi ko magawa sa iba. ang sama sama ko talaga! bad girl! *whapaaak!!!*
clatot!!! may blog ka na pala, di ka man lang nagsasabi! :P
ReplyDeletesan ka na ba nagwowork ngayon? sayang nung tinawagan ka may work ka na.. it would've been nice to have you around.
nwei, good luck sa work! :)
yep. hehe. tagal na actually. akala ko alam mo kse nilalagay ko nman yung blog address kpag nagcocomment ako sa blog mo. hehe.
ReplyDeleteit's really hard to get rid of some pipol. challenge nga nung friday super!
ReplyDeletenabasa na kaya niya ang iyong isinulat?
ReplyDeletehahaha, you actually went out with him?! bumababa na ata standards natin ah! ;)
ReplyDeleteanonymous,
ReplyDeletesa palagay ko nabasa na niya. hindi naman kami lumabas ng parang date. over naman. hindi ata ako papayag nun.
eh kasi naman..this person gives real meaning sa "may sariling mundo." parang may sariling kultura na nakaka-culture shock, but sometimes it's sad coz he (or she) is just trying to be him/herself..
ReplyDelete