killer shoes


ang pamatay kong sapatos...hindi naman sya matulis. masakit lang talaga sa paa.

grabe?!? sobrang sakit ng paa ko. pano ba naman, nung isang araw papunta na ako sa interview ko. syempre! todo porma ang loka...pampa-impress kumbaga. eto ka! (bagong phrase galing kay mike. hehe) na-cancel pala interview ko. pampalubag-loob, pumunta ako sa glorietta ng maaga. nakakatamad na kasi bumalik sa bahay para magpalit. sayang ang Php20 na pamasahe. tpos baka hindi pa ako palabasin ulit. buti na lang kumain nako ng tanghalian.

suot ko ang aking "defense-interview-office" shoes na hindi ko naman talaga ginagamit. binili ko ata ito nung 2001 pa, simula nung mapadalas ang mga defense sa marketing class. hindi kasi kumpleto ang business attire kung hindi leather pumps ang suot na sapatos. eh ang alam ko lang gamitin ay tsinelas at rubber shoes. at hindi ko masyadong pinag-isipan ang pagbili nito kasi gusto naman ng mommy ko at kasya sa kanya. figlia pa ang tatak! sossy!


sumakay ako ng MRT sa Q Ave. buti na lang, bagong train ang dumating kaya tamang-tama at naka-upo ako. nakakainis pa nga eh. kasi may mama na tumapak sa sapatos ko. peste. bumaba ako ng Ayala Station. naglakad papuntang Glorietta. pagdating dun, nagmasid-masid. ang sarap ng feeling! magwiwindow shopping ako!

makalipas ang 2 oras ng paglilibot, pagsusukat at pag-uusyoso, napagod na rin ako. nagsawa na ako sa pagsusukat sa mga damit at sapatos na hindi ko naman mabibili sa ngayon. bukod sa wala akong trabaho, hindi rin ako makapag-withdraw ng pera. ang bulok kasi ng bangko ng huling opisina ko. sus. 5 lang ata ang ATM machine nila sa buong Metro Manila.

naiinis na rin ako kasi wala akong mahanap na bagay na regalo sa isang kaibigan. naisip ko tuloy tumambay muna sa tower records/powerbooks. naroon kasi ang dalawa sa pinakagusto kong gawin...ang magbasa at makinig/kumanta sa musika. mainam din kasi itong meeting place. akalain mo, nakatagal ako ng isang oras na nakatayo at nakikinig sa mga CDs habang nagbabasa. halos lahat ata ng pwedeng pakinggan pinakinggan ko talaga.

buti na lang dumating na ang kaibigan ko. nagmumukha na kasi akong tanga dun na sumasayaw kasabay ng chill-out project CD. feeling ko kasi nasa beach party ako sa bora. hahaha.

pagkatapos nun, naglibot-libot pa kami. hinahanap kasi namin ang sasakyan namin papunta dun sa opisina ng isang kaibigan na balak naming gulatin. napadpad tuloy kami sa greenbelt. bumigay na ako. hindi ko na talaga kaya. pinalipas namin ang oras ng nakaupo sa mga higanteng upuan sa gitna ng mga tindahan. hay, sa wakas!

di nagtagal kinailangan na ulit maglakad papuntang glorietta. gutom na kasi kami. eh medyo mahal ang pagkain sa greenbelt. can't afford. ayun. pagkatapos nakipagkita na sa mga dapat makita.

nakauwi ako ng mga 11pm. nakakatakot. walang katao-tao sa kalsada namin. naisip ko, kung may sumusunod sa akin at mangra-rape, tiyak hindi ako makakarating ng malayo kapag tumakbo ako...sa taas ba naman ng takong ko! at least pwede ko naman gamitin pamukpok yung takong ng sapatos. hehe.

sa palagay ko nga, sobra ang pasasalamat ng mga paa ko nung hubarin ko yung sapatos. parang nabuhayan ulit sila. dumaloy na ulit yung dugo!

nakakapagtaka talaga kung paano nagagawa ng ibang babae na magsuot ng pagkatataas na takong buong araw...dahil ba sexy tingnan? o kailangan lang ng sanayan?

7 comments:

  1. ay nako, killer shoes should be killed. long live sneakers and flip-flops!

    ReplyDelete
  2. hindi rin ako marunong magtakong :P

    nwei, question po.. kala ko may work ka na? tinawagan ka raw ng hr person namin d ba? :)

    ReplyDelete
  3. well, natanggap nako sa CH kse nung day na tinawagan ako ng HR nyo. as in that afternoon. tpos tinanggap ko na actually yung offer. eh pagkatapos tumawag ng HR nyo, tumawag din ABS so ayun. anyway, kung kelangan nyo pa rin bka pwede pa rin akong magpa-interview dyan. hehe.

    ReplyDelete
  4. i can relate to this. (hindi sa pagiging in demand mo ha.=) sa killer shoes.

    ReplyDelete
  5. hmm, so di ka pa employed ngayon? cge, i'll ask our HR person next week.. si mimi magreresign na :( so we might need a new ae.

    ReplyDelete
  6. aalis si mimi?! pwede ba magpasa ng bagong resume? nagpalit na kse ako eh. hehe.

    ReplyDelete
  7. killer shoes! i think it's the modern version of the ancient chinese footbinding tradition. back then footbound women were considered sexy.

    i don't understand how something painful could look good.

    ReplyDelete