kanina, pumunta ako sa interview ko. hindi naman ako maaga, hindi rin late. tama lang kumbaga. eksaktong 12nn kasi ang interview pero pinapupunta ako ng 11:30 para sa aking "briefing". nakakatawa nga kasi tinawagan na ako nung isang nag-interview sa akin dati, eh andun lang ako sa labas ng pinto niya.
medyo kinabahan ako. makikita ko na sa wakas yung mga "kaagaw" ko sa trabahong pinag-aapplyan ko. anakngtokwangpanget! magkakakilala pala kaming tatlo. mga batchmates sa ateneo. shet. pareho silang comm majors! at mas maraming experience! kinabahan ako lalo.
ok naman yung interview. wala pa atang tigsasampung minuto ang interview namin. nakakabwiset nga lang. feeling ko hindi ko mashadong "naibenta" ang sarili ko. wala naman kasi masyadong tinanong. corny. nasayang ang kaba at pagkakaroon ng period dahil sa stress sa pinakahihintay kong araw na ito.
pagkatapos ng mga interview namin, nagbonding muna kaming tatlo. haha. oh my gulay! hindi ko akalain na makakasalubong ko si roderick paulate aka kuya dick at si hero angeles in one day! haha. bigla akong nabuhayan.
una kong nakita si kuya dick at naalala ko ang petrang kabayo days. hehe. hindi ako makapaniwala na andun sya. sa harap ko. parang panaginip. siguro nakanganga ako, kaya rin napatingin si hero sa akin. wahaha. mukha siguro akong tanga. iba talaga kapag starstruck.
pero kung si marc nelson yun...hindi ako mahihiyang lumapit. hehehe. kelan kaya kami ulit magkikita?
sana nagpa-autograph ka kay hero! bibilhin ko! :P
ReplyDeletenext time ha! - ria
hahaha! sure!
ReplyDelete