Dear A1,
Pasensya kana na text kita kanina ha. Binabasa ko kase yung mga letters na binigay mo sakin nun eh. Parang apat na taon din yung napunta sa wala. Nagsimula tayo bilang magkaibigan, ngayon, parang hindi na nga tayo magkakilala. Siguro busy ka sa kanya. Okay lang naman sakin yun eh. Alam ko. Kase dati, sa akin ka busy.
Tinatanong ko nga sarili ko bakit ko pa tinatago lahat ng mga sulat mo eh. Nandun lahat ng mga pangako mo. Yung forever na sinabi mo. Pero ngayon, isang minuto lang.... Sandali lang ha, naiiyak ako. Naaalala na naman kase kita. Naaalala mo pa ba nung kasama kita sa car ni Jake nung hahatid niya ako sa bahay nung nanliligaw pa siya? Bestfriend palang kita nun pero alam ko, naramdaman ko, yung mga tingin mo, na sobrang selos ka. Tapos nun, naging tayo.
Ang dami narin nating pinagdaanan. Malayo ka palang, alam ko nandyan kana. Konti lang naman kase ang nagbi-bike pumasok sa Ateneo. Yung laptop mo na lagi mong dinadala sa loob ng campus kase unlimited internet access. Yung condo. Yung bank account natin na malapit na ipaghiwalay ngayon. Yung mga pictures natin sa digicam ko. Diba nagpaparamihan pa nga tayo ng friends nun sa friendster? Isang malungkot na ngiti nalang ang nakikita ko sa salamin pag tinitignan ko sarili ko tuwing naaalala kita.
Siguro nga hindi ako para sayo. Masyado ka kasing mabait, masyado kang perpekto, parang hindi na kita maabot. Nung hindi pa tayo gumagradweyt, iisa lang ang pangarap natin pareho. Pero pagkatapos nun, marami kang hinanap, maraming kang iniba; at kasama ako na may kapalit sa puso mo.
Hindi ko lang inaasahan na ipagpapalit mo ako.Mahalin ka sana niya tulad ng pagmamahal na ginawa ko at patuloy kong ginagawa. Kung tutuusin, something good came out of this: one of your dreams came true. Diba college palang tayo ay gustong-gusto mo na siya? Masaya ako para sayo. Huwag kang mag-alala sakin. Okay lang ako. Kuntento na akong makita na may ibang aura ang taong dating nagmamahal sakin. Siguro kayo nga talaga.
Tama lang ang tatlong taon nating pinagsamahan. Nakilala natin ang isa't-isang mabuti. Those were the happiest moments in my life. At kung bibigyan ako ng pagkakataon na papiliin kung gusto kong daanan lahat ng pinagdaan ko makapiling ka lang, kahit sampung beses pa. Ganyan eh, parte kana talaga. Swerte lahat ng taong mamahalin mo. Mapalad ako na naging ako yun kahit minsan.
Ayoko na ngang umuwi ng bahay kase lahat ng nakikita ko sa kwarto ko, halos lahat galing sa iyo. Pati pa yung ibang bigay mo sa mga kapatid ko at mga parents ko. Yung mga korni mong texts, buburahin ko ba? Minsan nga sinasanay ko nan pumirma na gamit ang apelido mo.
Ayokong tapusin ito. Kase pagtinapos ko ito, parang tinapos ko narin ang mga alaala nating dalawa. Bibigay mo na sakin yun. Yun nalang ang thank you mo sa mga bagay na....
(For Cla, I feel for you...Honestly)
*****
Is it better to have loved and lost than never to have loved at all when in the end, you have lost everything?
(its not as if i feel the same thing today. i just wanted to remember what i felt during that time. for old time's sake.)
reading this, i say i can observe a number of things. you know it's ok to miss the feeling of loving and the feeling of being loved in return. its ok to rekindle past moments, even tragic ones. but let me tell you frankly what i think. you are still pretty much in love with the guy. no matter what he did, no matter how he did it, no matter how much he ruined a lot of things for you, no matter how much you deny it. if he asked you to get back together with him, you'll probably be very tempted to say yes at least. i may not have the right to say all these things. i dont know you very well, nor do i know this guy very well either. but i do know this: it's not healthy to keep things inside. you still love him. fine. but that doesnt mean you dont have the right to hate him either. love and hate are opposite sides of the same coin. dont feel guilty for having ill thoughts. it is what makes us human. you think he has what he has always dreamed of. you may even think it was right for him to go off with this gal of his. you say you are happy for him. you can pretend all you want girl but until and unless you become angry and accept the bitter fact that he has left you for another woman, you will never get over him. it pains me to realize that he will have the last laugh. he is still laughing right now. i hate how the world rewards assholes (especially whimps with glasses). and i equally hate the people who let these assholes reap their rewards. he chose to exile you from his life. why the hell should you care about what happens to his life. you may think you have lost everything. you may think he has gained everything. i dont think any of those matters. life is in the here and now. all of that was in the past. some things are hard to forget, but nobody asked you to forget anything. he was and still is part of your life. no power in the world can change that fact. but always remember that it was he who CHOSE to end it all. he is a coward who did not fight for you and your relationship when the going got tough. the moment things got ugly, he bailed out to greener pastures. glancing back every now and then is ok but it shouldn't come to the point that glancing back makes you stumble. believe me, you will get through this. you will be stronger and wiser. it will take time... probably a lot of time in your case. but nobody is in a hurry and neither should you. take your time but please do yourself a favor. dont lie to yourself. stop pretending. it will only make things worse. if i offended you, i am deeply sorry. i believe that sometimes a hard slap from reality is what makes us stop living in a dreamworld (or nightmare) of our own creation and keep us in touch with what is real and with what is most important.
ReplyDeletei can feel the sadness in your soul. it is deep and strikes a deep chord inside of me. i am still angry about what happened because of many reasons. one them mainly that people have the choice of not hurting people that they love. he threw away a good thing, for what reason i dont know. but if you would eventually lead a life wherein his love might have died out, i say good riddance. if love is just an emotion then christ's life would have been useless. love is a choice, it's choosing to be the best for the other person. whatever you do, never ever think that you were never worth his time. dont discount yourself, u deserve happiness as much as other people. it will be hard to leave something like that but as a friend of mine said, it is only from wounds like these that we can truly grow and live. so live and love again.
ReplyDeletedear clatot.
ReplyDeleteilang buwan na nga rin ba ang nagdaan no? halos mag-iisang taon na rin naman.
sa totoo lang. ang mga heartaches na yan ang pesteng bagay. minsan, sa mga taong SSB na tulad ko, yan ang tumatakot sa aming makipagrelasyon.
takot masaktan nang gaya sa mga iniwang mangingibig.
hindi ako magsasalita nang kung anumang words of advice chuva, dahil tapos na tayo doon.
ang masokistang bahagi ng aking sarili ay nagnanais pa ngang namnamin mo ang sandaling 'yan.
pareho pa rin ba ang bitterness?
hinga lang nang malalim. sarap diba?
minsan kailangan ng mga panahong buhayin ang mga halimaw ng nakaraan. at sariwaing muli ang pahilom na sugat.
bilang isang kaibigan, na kahit hindi ko man nasundan ang naging takbo at sirko ng relasyon ninyo dati, humihiling ako sa pag-asang maipagkaloob din sa'yo ang ganap na pag-ibayo. gaano man katagal at kahirap.
nais kong maniwala na ang pagmamahal ay hindi nauupos sa paghihiwalay. at hanga ako sa 'yo -- sa mga taong gaya mo - na patuloy na minamahal ang mga taong hindi na sila ang tuon ng pag-ibig nila.
sabi nga nila (at ito ang isa sa mga pinakapaborito kong quotes ever), LOVE is wanting someone to be happy even if you're not the one he'll share his happiness with.
freshman pa lang ako, sinusulat ko na 'yan sa logbook.
ayos lang 'yan.
isang bagay lang ang pinatunayan mo -- MINAHAL MO SIYA.
at mahal mo pa rin siya.
at di na siya mabubura sa buhay mo.
isang importanteng bahagi siya ng sarili mo.
pero heto lang ang masasabi ko -- hayaan mo lang.
dahil isang araw na lang, darating din ang isang pag-ibig na
na magpapadama sa'yo na ang lahat ng pighati at sakit sa nakaraan ay wala sa kalingkingan sa ligayang handog niya sa'yo.
ingat clatotski. text mo lang ako.
sana ayos ka pa. miss na kita loka.
--revicon
dear clatot.
ReplyDeleteilang buwan na nga rin ba ang nagdaan no? halos mag-iisang taon na rin naman.
sa totoo lang. ang mga heartaches na yan ang pesteng bagay. minsan, sa mga taong SSB na tulad ko, yan ang tumatakot sa aming makipagrelasyon.
takot masaktan nang gaya sa mga iniwang mangingibig.
hindi ako magsasalita nang kung anumang words of advice chuva, dahil tapos na tayo doon.
ang masokistang bahagi ng aking sarili ay nagnanais pa ngang namnamin mo ang sandaling 'yan.
pareho pa rin ba ang bitterness?
hinga lang nang malalim. sarap diba?
minsan kailangan ng mga panahong buhayin ang mga halimaw ng nakaraan. at sariwaing muli ang pahilom na sugat.
bilang isang kaibigan, na kahit hindi ko man nasundan ang naging takbo at sirko ng relasyon ninyo dati, humihiling ako sa pag-asang maipagkaloob din sa'yo ang ganap na pag-ibayo. gaano man katagal at kahirap.
nais kong maniwala na ang pagmamahal ay hindi nauupos sa paghihiwalay. at hanga ako sa 'yo -- sa mga taong gaya mo - na patuloy na minamahal ang mga taong hindi na sila ang tuon ng pag-ibig nila.
sabi nga nila (at ito ang isa sa mga pinakapaborito kong quotes ever), LOVE is wanting someone to be happy even if you're not the one he'll share his happiness with.
freshman pa lang ako, sinusulat ko na 'yan sa logbook.
ayos lang 'yan.
isang bagay lang ang pinatunayan mo -- MINAHAL MO SIYA.
at mahal mo pa rin siya.
at di na siya mabubura sa buhay mo.
isang importanteng bahagi siya ng sarili mo.
pero heto lang ang masasabi ko -- hayaan mo lang.
dahil isang araw na lang, darating din ang isang pag-ibig na
na magpapadama sa'yo na ang lahat ng pighati at sakit sa nakaraan ay wala sa kalingkingan sa ligayang handog niya sa'yo.
ingat clatotski. text mo lang ako.
sana ayos ka pa. miss na kita loka.
--revicon
salamat rev, cyril at kay anonymous blogger. masaya ako at may kaibigan akong tulad nyo.
ReplyDeleteagain i almost cried reading dis one.. watever things i say or i will say, i know it wudnt change any of those shit things dat breaks your heart until now.. gusto ko lng sbhin na lahat ng taong nagmamahal, nasasaktan. kc nga mahal mo. kung di mo na mahal bat ka pa masasaktan.
ReplyDeleteand di ko masisisi kung mahal mo pa sha.. kc uve been tru a lot. i know.
ang nakakainis lng dun, y do WE, the ladies, have to feel all of these shity heartbreaks.. sila kayang mga kalalakihan ganto din pag nasaktan nten sila? or mabilis lng sila maka move on..
i will always feel for u my dear bespren..
anu na?!?! shopping na tayo!! hahaha!! misu