pang Miss U nga ba ako?!? (not for general patronage)

sabi nila, malalaman ko raw kung pwede akong maging contestant sa Miss U sa pamamagitan ng pagsagot sa survey na to. ating alamin. hehehe.


1. Kung papalitan ang balat mo sa buong katawan, ano ang mas gusto mong ipalit, balat mo sa siko o balat mo sa talampakan? uhm, balat na lang sa talampakan. kulubot kasi ang balat sa siko eh. tsaka mas maputi ata ang balat sa talampakan. hindi ba?

2. Kung tatlo na lang ang buhok mo sa ulo, gusto mo bang sama-sama ang mga ito o hiwa-hiwalay? aba sama-sama siyempre. kung magkakahiwalay sila, hindi sila mapapansin. tsaka mas mahirap suklayin. mas marami pang ayos ang pwedeng gawin kapag magkakasama sila. kung makakahiwalay sila pwede ba silang itirintas? aber?

3. Maliban sa buhok at kuko, anong parte ng iyong katawan ang nais mong patuloy na humahaba? walang iba kundi ang legs. para pang mowdel. hehehe.

4. Kung ikaw ay magiging materyal na bagay, ano ka, toilet paper o sanitary napkin? toilet paper na lang para pang all-around! dapat practical tayo...

5. Meron kang six-inch na makapal na buhok sa kili-kili, anong gagawin mo dito: rebond, dreadlocks o afro? sa palagay ko ang buhok natin reflection ng sarili. kapag rebond kasi parang nakikiuso ka lng sa trend ngayon. ayoko nun. limp ang hair. kapag dreadlocks naman parang sinabi mo na rin na hindi ka naliligo. sa afro ako coz im wild! wahaha! tsaka natural. hehehe.

6. Kung ikaw ay magkaka-girlfriend, ano ang mas gusto mo, babaeng may chest hair o babaeng may goatee? hmm, so ibig sabihin ay tanggap na ang pagkakaroon ng same sex relationship? kung magkaroon man ako ng girlfriend, mas gugustuhin ko na siguro ang babaeng may goatee. ang sexy di ba? ayoko na ng sergio look-alike. tapos na ang marimar days noh!

7. Isa na lang ang kilay mo, saan mo ito ilalagay, sa kanan o sa kaliwa? sa kanan. right-handed kasi ako. mas madali magmake-up. hehehe. tsaka sa kanan ata ang best angle ko. hehehe. *direk, i'm ready for my shoot!"

8. Kanino mo gustong makipag-makeout, sa taong walang ngipin o taong walang dila? sa taong walang ngipin na lng. essential ang dila. *o, bka kung ano-ano ang iniisip...esep-esep!*

9. Pimple sa ilong o ilong sa pimple? (actually, slightly modified: magkaroon ng isang malaking pimple sa ilong forever o kada magka-pimple ka eh may ilong ito pimple sa ilong na lang. aba, mahirap ata magkaroon ng ilong sa pimple. ano yun? humihinga rin sya? katakot! nai-imagine mo ba ang sarili mo na naggugupit ng buhok sa sangkatutak na ilong every week? yikes!

10. Kung papalitan ang nipple mo, anong ipapalit mo dito, mata, ilong o daliri? naku. ang hirap na tanong naman nyan. teka, siguro daliri na lng. mas marami kseng magagawa yun. aanhin mo ang mata kung lagi nman natatakpan ng bra. kung ilong naman, katulad ng sagot sa number 9, mahirap gumupit ng nose hairs. eh kung daliri, kung marami kang dala, pwedeng gamiting pang doorbell...o diba? useful!

No comments:

Post a Comment